top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kris, kaya na-bad trip, umayaw na… VG MARC, NAG-POST NG PICTURE KASAMA SINA IPE AT ROBIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 3, 2023
  • 1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 3, 2023



Napuno na nga ang isang basong pasensiya (yay, ang konti naman, haha!) ni Kris Aquino sa boyfriend na si Batangas Vice-Governor Marc Leviste kaya diretsahan na niya itong hiniwalayan via text o private message.


Ipinost ni Kris sa kanyang IG Story ang mensahe niya kay VG Marc na ang sabi niya, hindi raw ba ito napapagod sa pandededma niya sa mga mensahe nito sa kanya?


Pinrangka rin ni Kris si VG Marc na nawalan na siya ng gana na makipag-usap dito at "carebears" (read: paki) ba niya sa nangyayari sa buhay ng ex-BF.


Ang long-distance relationship nila ang ikinatwiran ni Kris na dahilan kaya na-fall out of love siya kay Marc.


Mas gusto rin daw ni Kris na magbasa na lang ng libro at sana raw, ibigay na ni VG Marc sa kanya ang "serenity and peace" na kailangan niya lalo't hindi nga biro ang sakit na pinagdaraanan niya at bawal siyang ma-stress.


Pero ang kutob ng mga netizens, may kinalaman ang latest Instagram post ni VG Marc ng picture nilang tatlo nina Phillip Salvador at Robin Padilla na magkakasama at magkakatabing nakaupo sa isang event sa pagkapuno ng pasensiya ni Kris.


Abot-tenga pa nga naman ang ngiti ni Marc sa naturang selfie with Ipe at Robin samantalang very much aware at knows naman niyang ex-BF ni Kris ang dalawa at hindi nga okay until now ang relasyon ni Kris sa tatay ng panganay nitong anak na si Joshua.


Hindi namin masisisi si Kris kung ang feeling niya ay nananadya ba itong si VG Marc at iniinis siya?!


Nakupo! Ayun na!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page