top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

KRIS, JACKPOT NA KAY VG MARC, PINAKAWALAN PA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 16, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 16, 2023




Marami sa mga kaibigan at fans ni Kris Aquino ang labis na nanghihinayang nang makipag-break siya kay Batangas Vice-Governor Marc Leviste.


At ang babaw-babaw daw ng ibinigay na dahilan ni Kris kaya niya tinapos ang kanilang short-lived romance ni VG Marc, dahil mahirap ang LDR (long-distance relationship)!


Hindi raw niya maobliga si VG Marc na full-time siyang bantayan at alagaan. Bilang vice- governor ng Batangas, may tungkulin din kasi si Leviste na dapat niyang asikasuhin.


Ayaw ni Kris na siya ang maging dahilan upang mapabayaan ni Marc ang tungkulin sa Batangas. Tiyak na masisilip ng mga Batangueños ang pagbabantay ni Marc kay Kris habang nagpapagamot sa Los Angeles, California.


Well, say naman ng mga kaibigan at fans na nagmamalasakit kay Kris, mahihirapan na siya na makahanap o makatagpo ng katulad ni VG Marc na nag-alaga at nagbantay sa kanya sa panahon ng kanyang pagpapagamot sa USA.


Si VG Marc Leviste ang nagsilbing balikat na kanyang nasandalan sa panahon na lugmok na lugmok ang kanyang kalusugan. Ito rin ang nagsilbing ilaw sa madilim na bahagi ng buhay ni Kris.


At kahit papaano, ipinadama sa kanya ni VG Marc na masaya at puno ng pag-asa ang buhay basta hindi sumusuko.


Nakakabilib nga si Marc Leviste dahil hindi siya basta sumuko kahit tinapos ni Kris ang kanilang relasyon. At maging ang mga anak ni Kris na sina Josh at Bimby ay kanyang tinanggap at minahal.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page