top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Umaming iniwan ng BF na doktor… KRIS, INULAN NG SIMPATYA NG MGA CELEBS AT NETIZENS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 17, 2025
  • 2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | Mar. 17, 2025



  • Kris Aquino
    Kris Aquino - IG


Marami ang naiyak at tumindi ang panalangin ng mga kaibigan at nagdarasal sa paggaling ni Kris Aquino sa latest nitong post. 


Nagbigay ng update si Kris sa kanyang kalagayan at pati sa nangyari sa kanila ng ex niyang doctor.


Mga comments na nagpapalakas ng loob ni Kris galing kina Aga Muhlach, Bela Padilla, Jinkee Pacquiao, Harlene Bautista at Erik Santos ang mga mababasa. 


Ang iba, hindi na nag-comment, praying hands emoji na lang gaya nina Vina Morales, Angeline Quinto, Jolina Magdangal, Yasmien Kurdi, Arnold Clavio at marami pang iba.


May nag-suggest ng oil na nakakabawas daw ng pananakit ng katawan, may nagpayo ng dapat niyang kainin, may nag-suggest pa for Kris to go holistic. 


Suhestiyon nito, “Please GO Holistic and Do Natural Healing! Try seeing a Kinesiologist.”

Puno naman ng pag-asa ang comment ng isang netizen na, “Sana may milagro ang Diyos para sa ‘yo, Kris.”


Marami ang pumuri kay Bimb sa pag-aalaga nito sa mom niya. Dasal ng marami, bigyan pa siya ng lakas to take care of his mom. Ang ganda ng mensahe nito for Bimb.


Sey nito, “Bimby deserves deep respect for his devotion to his mom. Such a loving son. Unconditional love... Be strong too, Bimby, for your Mom and God Bless you, Ms. Kris. May himala ang Diyos, kapit lang.”



ANG suwerte ni Matt Lozano, hindi na niya kinailangang mag-audition para sa role at karakter ni Isko sa pelikulang Sinagtala The Movie (STM). Narinig lang siya ni Director Mike Sandejas na kumakanta, naging interesado sa kanya at nakuha na siyang maging part ng drama-musical movie na showing sa April 2 in cinemas nationwide.


Hindi lang basta tutugtog ng gitara at kakanta ang karakter ni Matt sa pelikula. 


Ang kuwento, may itinatagong sikreto si Isko. Kailangan niyang itago dahil homophobic ang kanyang ama. Sana, kasama sa movie ang gender reveal ni Isko at kung paano siya tinanggap ng kanyang ama.


Naka-relate si Matt sa kanyang role dahil dati siyang member ng banda at na-disband din. 


“Kaya alam ko ang pakiramdam ng may banda kang na-disband, parang nawalan ka ng girlfriend. Hindi na kami nag-reunite with my band, nagkaroon na ako ng recording at ngayon, focused ako sa acting at music,” sabi ni Matt.


Kuwento ni Matt, naiyak ang mom niyang si Elaine Lozano nang malamang kasama siya sa movie dahil kahit noong bata pa lang siya, sinabi na niyang gusto niyang mag-artista.


“Sobrang dream come true ito sa ‘kin dahil alam n’yang matagal ko nang gustong magka-pelikula at makapag-perform sa harap ng maraming tao. Sobrang proud si Mama na unti-unting nakakamit ko ang pangarap ko,” kuwento ni Matt.


Matutuwa si Matt dahil marami ang excited na mapanood ang pelikula. Hindi man kasingdami ang fans niya kina Rhian Ramos, Rayver Cruz, Arci Muñoz at Glaiza de Castro, kapag napanood na ang STM, mamahalin ng tao si Isko.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page