top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

KRIS, INAAYAWAN NA NGA NG MGA NETWORK, MAYABANG PA RIN

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 8, 2020
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 8, 2020




Sa araw na ito dapat naka-schedule na umere ang bagong online show na pagsasamahan nina Lolit Solis, Cristy Fermin at Kris Aquino. Pero may nangyaring aberya dahil nag-back-out na nga sa project sina Cristy at Lolit.


Ang DJ-host na si Mr. Fu na dapat ay kasama rin sa online show ang dahilan kaya naudlot ang project. Tinanggihan ni Kris Aquino na makasama si Mr. Fu dahil hindi raw niya kilala at hindi nila ka-level nina Manay Lolit at Cristy.


Na-offend at nakisimpatya si Cristy sa kaibigan-kasamahang si Mr. Fu kaya nag-back-out na siya sa nasabing online show na ang Puregold ang main sponsor.


At dahil exit na si Cristy Fermin, nag-back-out na rin si Manay Lolit. Naiwan nang nag-iisa si Kristeta.


Marami ang nag-aabang kung matutuloy ang online show ngayong solo flight na lang si Kris. Nagbitiw na ng pahayag ang matapang at maprinsipyong manunulat na si Cristy Fermin. Kahit na raw magdildil siya ng asin, hindi niya tatanggapin ang anumang show na kasama si Kris Aquino.


Well, matayog pa rin pala ang lipad ng saranggolang sumabit na sa poste at pagewang-gewang na lang sa himpapawid. Paano kakapit ang nagtampong suwerte kung may attitude pa rin si Kris Aquino?


Baka nakakalimutan niya, ilang networks na ang umayaw sa kanya, magmamalaki pa ba siya?


Good luck na lang!

1 Comment


DeGu Jo
DeGu Jo
Nov 08, 2020

FAKE NEWS ka madam... paano ka naging showbiz reporter kung hindi mo alam ang katotohanan? Pareho kayo ni Cristy na tumatanda ng paurong!

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page