top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

KRIS, 'DI NA MAKATAYO, NABUBUHAY NA LANG SA GAMOT

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 15, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | November 15, 2022



Bagama't maraming fans ni Kris Aquino ang natutuwa at nagpapasalamat sa balitang nadagdagan na ito ng timbang at bumubuti na ang kalagayan ng kalusugan, hindi naman totoo na makakauwi na si Kris sa darating na Enero, 2023.


Nasa Los Angeles, California ngayon si Kris kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby.


Nagpapagamot pa rin si Kris sa magagaling na doktor.


Mahinang-mahina pa rin siya dahil hindi pa siya nakakakain ng solid food. Mga gamot ang nagsisilbi niyang pagkain kaya hirap siyang tumayo at maglakad nang mag-isa.


Kailangan na may aalalay sa kanya.


Samantala, naiinip na ang anak niyang si Joshua at gusto nang umuwi sa 'Pinas. Nami-miss daw ni Josh ang bahay nila sa Hacienda Luisita.


Pero si Bimby, desididong bantayan-alagaan ang kanyang mommy habang ito ay nagpapagamot sa L.A., California.


Ang mga anak na sina Joshua at Bimby ang nagpapalakas ng loob ni Kris Aquino upang patuloy na labanan ang kanyang mga sakit. Gusto niyang gumaling upang makasama nang matagal sina Josh at Bimby.


For sure ay mami-miss din ni Kris ang pagse-celebrate ng Christmas dito sa 'Pinas. Iba pa rin kapag kasama niya ang kanyang mga kapatid, pamangkin, atbp. mga mahal sa buhay.


Nagpapaabot si Kris ng pasasalamat sa lahat-lahat ng nagdasal para sa kanyang paggaling.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page