top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

KRIS, BITBIT ANG MAKE-UP ARTIST AT HAIRSTYLIST HABANG NAGPAPAGAMOT SA TATE

BULGAR
Jul 6, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | July 6, 2022




Patuloy ang pagdarasal ng mga taong nagmamalasakit kay Kris Aquino upang maagapan ang kanyang karamdaman at madugtungan pa ang kanyang buhay.


Ang pinakamagagaling na doktor sa Houston, Texas, USA ang tumitingin ngayon kay Kris. At lahat ay ginagawa ng medical team na nangangalaga sa kanyang kalagayan.

Patuloy ang paglaban ni Kris upang hindi siya maigupo ng kanyang sakit. Pero sa kabila ng delikado niyang kalagayan, may ilan pa rin na pilit na bina-bash si Kris.


Balita kasing kasama niya sa Houston, Texas ang kanyang personal makeup artist at hairstylist. Kaya ang mga larawan na lumalabas sa kanyang social media ay naka-makeup siya dahil ayaw ni Kris na makita siya ng lahat sa kanyang kaawa-awang hitsura ngayon. Kaya kahit nasa ospital siya ay nakasuot siya ng pearl jewelries.


Naniniwala si Kris Aquino na may healing effect ang pagsusuot niya ng mga alahas na perlas.


Anyway, kung ikaliligaya naman ni Kris na makita ang sarili na maganda pa rin kahit maysakit na, walang issue kung magsama siya ng sarili niyang makeup artist at hairstylist habang nagpapagamot sa Houston, Texas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page