KRIS AT MARK LEVISTE, MAGKASAMA SA TATE NU'NG NEW YEAR
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters! | January 4, 2023

Muling nasilayan ng publiko si Kris Aquino dahil kay Batangas Vice-Governor Mark Leviste na dumalaw sa kinaroroonan nito sa Los Angeles, California, USA.
Ipinost ni VG Mark ang mga larawan nila ni Kris kasama ang mga anak ng huli na sina Josh at Bimby kahapon nang umaga.
Ang caption ay: “Spending the first day of the year with the Queen.”
Sa nakita naming mga larawan ng nag-iisang Queen of Social Media ay maganda ang aura niya ngayon tulad din sa huling post niya ng larawan niya kasama ang mga anak noong Setyembre 7, 2022.
Nagtataka lang kami na hindi nag-post noong Pasko at Bagong Taon si Kris na kasama ang mga anak.
Tulad nang naibalita rin na nagpapa-extend si Kris ng pananatili nilang mag-iina sa Los Angeles dahil maraming tests pang gagawin para malaman ang iba pang sakit niya dahil hanggang ngayon ay wala pang konkretong resulta bukod sa 3 autoimmune conditions.
Dagdag-balita naman ni Nanay Cristy Fermin sa Showbiz Now Na vlog nila nina Romel Chika at Wendell Alvarez ay nagpapahanap daw ng bahay si Kris para maging permanente nilang tirahan sa Orange County.
Mukhang magkakatotoo nga ang hula ni Mamu Gloria Escoto na inilabas ni Romel Chika sa kanyang YouTube channel limang araw na ang nakararaan na hindi pa makakabalik ng Pilipinas ngayong 2023 si Kris.
Anyway, abut-abot ang pasasalamat ng mga netizens na nag-aabang ng update kay Kris kay VG Mark dahil sa pagpasok ng 2023 ay maganda naman ang kalagayan ngayon ng mama nina Josh at Bimb.
Ang mga nabasa naming komento…
Mula kay @titakittina, “Thank you for posting this. Miss na namin siya. She looks a little bit better now. Please get well soon! Thanks for visiting her.”
Sabi naman ni @leecoj888888, “True friend indeed even though the Aquinos are not in power anymore. God bless.”
Say ni @teamaquinos, “Thank you for sharing this, Sir Mark.”
Natuwa naman si @celineheart at ang sabi, “Wow! She looks better now and happy to see the improved body condition ni Ms. Kris.”
Kasama rin sa panalangin ni @lgc7252 si Kris, “So so so happy seeing you (Kris) looking good.
Our continuous prayers for your healing and recovery (emojis praying hands). Thank you, Sir Mark Leviste, for sharing these pics...thank you for your friendship.”
Sabi rin ni @juvymanubay, “Happy to see you Ms. Kris with a smile, we're still praying for your recovery and be totally healed. God bless.”
Galing kay @treyeah1, “Thank you, Sir Mark Leviste, for the update. She looks so much better sa mga photos na ito. With God there is hope.”
Halos iisa ang mga sinasabi ng mga nagpadala ng mensahe sa IG post ni VG Mark na sana ay tuluyan nang gumaling si Kris at masaya silang makita siyang okay.





Comments