Kotse vs. truck, 3 nadale

by Jeff Tumbado @News | September 14, 2026

Photo: Lacson's Auto Shop - Dash - Victor Camion
Patay ang isang 75-anyos na babae habang dalawa ang malubhang nasugatan matapos magsalpukan ang isang kotse at tanker truck sa National Highway sa Brgy. Looc, Sibulan, Negros Oriental nitong Sabado ng gabi, Setyembre 12.
Batay sa paunang imbestigasyon, biglang lumiko patungo sa kabilang linya ang puting kotse habang binabagtas ang National Highway, dahilan upang salpukin ito ng kasalubong na tanker truck.
Sa lakas ng pagkakabangga, matinding napinsala ang kotse at naipit ito sa tanker.
Isinugod sa pagamutan ang mga biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival ang 75-anyos na babae.
Nasa kritikal namang kondisyon ang 40-anyos na driver, habang ginagamot din ang edad 45 na lalaki na sakay sa kotse.
Sumuko sa mga rumespondeng pulis ang driver ng tanker truck na kinilala lamang sa alyas Edong at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya.
Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng aksidente.





Comments