Hanggang Disyembre 31, 2026 — PBBM... Toll-free sa bagong NLEX C5 Northlink

ni Mylene Alfonso @News | October 30, 2026

Photo: Si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang naglalakad kasama sina Transportation Secretary Vince Dizon, Public Works Secretary Giovanni Lopez at (MPTC) Chairperson Manuel Pangilinan sa pagbubukas ng bagong NLEX-C5 Northlink segment sa bahagi ng Valenzuela City. (Jeff Tumbado)
Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na libre muna ang toll fee sa North Luzon Expressway (NLEX) C5 Northlink Segment 8.2 Section 1A na nagdurugtong sa Quezon City at Valenzuela City hanggang sa katapusan ng taon.
Ginawa ng Pangulo ang anunsyo sa inagurasyon ng dalawang kilometrong bahagi ng NLEX-C5 Northlink na direktang nag-uugnay sa Mindanao Avenue at Quirino Highway.
“Libre ang pagdaan dito ngayon until end of the year,” pahayag ni Marcos.
Ayon sa Pangulo, napapanahon ang pagbubukas ng bagong segment dahil makatutulong ito sa pagpapagaan ng daloy ng trapiko, lalo na sa inaasahang pagdagsa ng mga motorista at pasahero ngayong Undas.
Bagama’t dalawang kilometro lamang ang bagong kalsada, sinabi ni Marcos na malaki ang maitutulong nito sa mga motorista dahil mapaiikli ang oras ng biyahe.
“Kahit maikli lang, dalawang kilometro, napakalaking bagay dahil ang dinadaanan ngayon ay napakalayo bago umiikot at pabababa sa surface road, dadaanan ng traffic, siguro 40 to 45 minutes ngayon. Pagbukas nito, 5 minuto na lang,” aniya.





Comments