Kotse, Rolex watch, TV, ref, etc… KIM, PARANG BAKLA MAGMAHAL, TODO-REGALO SA MGA NAGIGING BF
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | September 10, 2022

Kuwento ng Chinita Princess na si Kim Chiu, para raw siyang bakla kapag nagmahal.
Todo-todo siya kung magregalo sa kanyang karelasyon.
Tulad na lang nang maging boyfriend niya noon si Gerald Anderson. Niregaluhan daw niya ito ng kotse, Rolex watch, isang 65-inch na TV set, refrigerator, mga basketball shoes atbp. gamit.
Ganoon daw talaga si Kim kapag nagmahal, mahilig magregalo kahit walang okasyon.
Hindi isyu kay Kim kung sobrang mahal ang ibibigay niyang regalo sa kanyang BF basta happy ang guy.
At hindi rin isinusumbat ni Kim Chiu kay Gerald ang mga mamahaling regalo na naibigay niya noong sila pa ang magkarelasyon. Hindi rin siya “Indian giver” na binabawi ang regalo kapag break na.
For sure, ang mga sumunod kay Gerald na nakarelasyon ni Kim ay nakatanggap din ng mga regalo tulad ni Xian Lim. Pero, worth naman na regaluhan ni Kim si Xian dahil minahal siya nang totoo ng aktor.





Comments