Korupsiyon sa gobyerno, kinukunsinte na lang ng konstitusyon, hmmm…
ni Ka Ambo - @Bistado | September 14, 2021
Uso na naman ang tradisyunal na trangkaso.
Dedma lang ang DOH!
◘◘◘
BISTADO na ang korupsiyon sa gobyerno.
Wala lang.
Kinukunsinte ‘yan ng Konstitusyon!
◘◘◘
HINDI sapat ang mga probisyon sa Konstitusyon upang masawata ang korupsiyon.
Walang kamandag ang batas!
◘◘◘
TEORYA lang ang check and balances at co-equal branches kuno ng gobyerno.
Inutil ang mga constitutional commissions tulad ng COA, civil service commission, Comelec, Sandiganbayan at Ombudsman!
◘◘◘
MASYADONG malakas ang poder ng pangulo o ehekutibo.
Nadidiktahan ng superpangulo ang lehislatura at hudikatura!
◘◘◘
HINDI mareresolba ang korupsiyon dahil dispalinghado ang Konstitusyon kontra korupsiyon.
Mula barangay hanggang Malacañang ay talamak ang korupsiyon!
◘◘◘
HINDI kailangan ang ebidensiya kontra korupsiyon dahil aktuwal na saksi ang ordinaryong mamamayan.
May butas ang batas!
◘◘◘
NAGSISIMULA ang korupsiyon sa mismong election.
Bigo ang Comelec na ipatupad ang election code kaugnay sa vote buying at illegal na kampanya.
Mayayaman at mandarambong ang mga nahahalal!
◘◘◘
BIGO ang hudikatura na ayusin ang proseso sa prosekusyon kontra sa mga korup.
Ang Sandiganbayan at Ombudsman ay walang silbi!
◘◘◘
ANG Commission on Audit ay walang kakayahan na bantayan ang proseso ng paglalabas, paggastos at gugulin sa pamahalaan.
Walang nagbabantay sa COA kaya’t posibleng kakutsaba rin sila sa mandarambong!
◘◘◘
SA barangay ay malaya ang paniningil pero walang maayos na pag uulat.
Walang maayos na resibo at walang maayos na proseso!
◘◘◘
TALAMAK ang nakawan sa LGU.
Probinsiya, bayan at siyudad ay igarapalan ang pagnanakaw sa kaban ng bayan.
Walang nagbabantay sa transaksiyon!





Comments