top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Korean suitor ni Kristel, tagilid dahil 'di INC

  • Writer: ffernandoangela
    ffernandoangela
  • Mar 3, 2024
  • 1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 3, 2024




Ibinahagi ni Kristel Fulgar sa kanyang latest interview na gusto na niya ang Korean suitor ngunit hindi niya nakalimutang linawin ang real score sa kung ano'ng meron sila.


Hindi kasi naiwasang mausisa sa panayam kung may label na ba sila ng kanyang manliligaw.


Sey ni Kristel, kahit gusto na niya ang Korean suitor, imposible pa sa ngayon na ma-label niya itong boyfriend dahil sa isyung kadikit sa kanyang religion.


Saad ng actress-vlogger, kailangan sa Iglesia ni Cristo (INC) na parehas ang religion n'yo ng iyong magiging partner.


Paliwanag ni Kristel, very careful siyang tao at ayaw niyang makagawa ng mali kaya ibinahagi niya lang ang patungkol sa manliligaw sa kanyang vlog nu'ng nasa proseso na ito ng pagpapa-convert.


Matatandaang isinapubliko ni Kristel ang very private niyang manliligaw nu'ng Pebrero 9 sa kanyang vlog na inulan ng "sana all" mula sa mga supporters ng actress-vlogger.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page