top of page
TALKIES - VICE, HUMUGOT SA HIRAP NG BUHAY SA ‘PINAS_FB Vice Ganda.jpeg

Kontrata, tatapusin daw… BEA, WALANG BALAK MAGBABU SA GMA-7 KAHIT MISIS NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 30, 2026



TEKA NGA - BEA, WALANG BALAK MAGBABU SA GMA-7 KAHIT MISIS NA_IG _beaalonzo

Photo: IG _beaalonzo



Mula mismo sa ex-manager ni Bea Alonzo na si Shirley Kuan (SK), ang aktres daw mismo ang tumanggi na ipa-terminate ang kanyang existing contract sa GMA-7. 

Ito kasi ang nai-suggest niya sa aktres, kung medyo pagod na at gusto nang magpahinga muna, para rin ma-enjoy ang married life kasama ang mister niyang billionaire businessman na si Vincent Co.


Pero wala ngang balak huminto sa kanyang trabaho si Bea. Kahit Mrs. Co na siya at can afford nang mamuhay nang maginhawa, handa niyang tapusin ang kontrata sa GMA Network lalo na’t may serye siyang Whispers from Heaven (WFH) at alam ito ng kanyang mister.


Kaya tuluy-tuloy pa rin ang kanyang pagte-taping ng serye. Mas inspired siya ngayong magtrabaho dahil alam niyang may naghihintay sa kanyang pag-uwi.


Pag-amin pa ni Bea, mas clingy at malambing daw siya at gustong laging kasama ang kanyang hubby. 


Si Vincent naman, ang love language ay ang pagbibigay ng serbisyo at oras kapag kailangan niya.


Ang maganda pa, iniingatan ngayon ni Bea ang kanyang health para sa kanyang mga future kids.





ISA palang malaking promo para sa pelikulang Red Crown (RC) ang paghahanap ng karapat-dapat na tanghaling ‘Queen of The Islands’. Bahagi lang ito ng pelikula, isang satirical film na produced ng GMA Pictures.


Star-studded ang RC at kasama sa mga gaganap na kandidata sa ‘Queen of The Islands’ ang mga dating beauty queens na sina Ahtisa Manalo, Michelle Dee, Gazini Ganados at MJ Lastimosa.


Kasama rin sa movie sina Sanya Lopez, Shuvee Etrata, Ashley Ortega, Faith da Silva, Herlene Budol, AZ Martinez, Vanessa Peña, atbp..


Magpapabonggahan sa pagrampa at pag-awra ang mga kandidata. 

Ang Red Crown ay mula sa direksiyon ni Dominic Zapata at ipapalabas na sa Oktubre.


Well, ang tanong ng mga netizens ay kung totoong P25 million ang matatanggap na cash prize ng tatanghaling ‘Queen of The Islands’ o pang-promo lang din ito? 

Pero sa laki ng cast ng movie, tiyak na milyones din ang talent fee (TF) at production cost.





MARAMI ang nagsasabing may plano ang Jukebox Queen na si Imelda Papin na pumasok muli sa pulitika sa 2028 election. Nakikita kasi sa mga posts niya sa social media na siya ay namamahagi ng ayuda sa iba’t ibang lugar.


Hindi naman first time na sasabak sa pulitika si Imelda dahil naging public servant na rin siya sa Camarines Sur. Dati siyang vice-governor ng lalawigan mula 1998 hanggang 2004 at muling nahalal noong 2019 hanggang 2022.


Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang karisma ni Imelda sa tao. Masang-masa ang kanyang appeal at aktibo pa rin sa music industry. 


Nanahimik na ang mga singers na nakasabayan niya, pero aktibo pa rin si Imelda pati na sa pagtulong sa mga nangangailangan.


Ngayon ay isa na siyang appointed director ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Sakaling matuloy ang kanyang pagsabak sa mas mataas na posisyon, muling masusubok ang kanyang karisma sa mga botante.


Pero kailangan na maging bahagi si Papin ng isang matatag na partido na makakatulong sa kanyang kandidatura. Milyones ang magagastos ng isang kandidatong tatakbo sa susunod na eleksiyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page