Kontrata o kasunduan ng dalawang partido
- BULGAR
- Aug 6, 2021
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | August 06, 2021
Dear Chief Acosta,
Mayroong inutangan ang ex ko. Bagama’t nabanggit niya sa akin ‘yun, hindi ko alam ang naging kasunduan nila ng inutangan niya. Kami ay hiwalay na may pitong buwan na rin ang nakalilipas. Ngayon, ako ang sinisingil ng inutangan niya. Ang sinabi niya tumango at umoo diumano ako noong nag-usap sila ng ex ko, ngunit wala naman akong maalala na kinokontrata ko ang aking sarili sa ganung obligasyon. Wala rin siyang maipakitang kasunduan namin. Maaari ba niya akong legal na singilin? – Bart
Dear Bart,
Batay sa ating batas, ang New Civil Code of the Philippines, mayroong tatlong rekisitos upang masabing mayroong kontrata o kasunduan sa pagitan ng dalawang partido:
“Art. 1318. There is no contract unless the following requisites concur:
1. Consent of the contracting parties;
2. Object certain which is the subject matter of the contract;
3. Cause of the obligation which is established.”
Ang consent o pagsang-ayon ay makikita at mapagtitibay sa pagtatagpo ng alok at pagtanggap, na dapat tiyak at ganap, sa pagitan ng mga partido sa kasunduan. Ito ay alinsunod sa Article 1319 ng nasabing batas:
“Art. 1319. Consent is manifested by the meeting of the offer and the acceptance upon the thing and the cause which are to constitute the contract. The offer must be certain and the acceptance absolute. A qualified acceptance constitutes a counter-offer.
x x x”
Sa sitwasyong inilahad ninyo, tila wala ang rekisito na consent o pagsang-ayon mula sa inyong panig, kung kaya’t hindi lubusang masasabi na mayroong kontrata o kasunduan sa pagitan ninyo ng inutangan ng inyong dating nobya.
Kung mayroon naman kayong naging pagsang-ayon, hindi ninyo nga lamang lubusang maalala, masasabing hindi pa rin legal na maigigiit ito laban sa inyo sapagkat ang kasunduan ng pagsagot o pag-ako ng utang ng iba ay kinakailangan na mayroong kasulatan sa pagitan ng mga partido nito. Malinaw na nakasaad sa Article 1403 (2) ng ating New Civil Code ang sumusnod:
“Art. 1403. The following contracts are unenforceable, unless they are ratified:
x x x
(2) Those that do not comply with the Statute of Frauds as set forth in this number. In the following cases an agreement hereafter made shall be unenforceable by action, unless the same, or some note or memorandum, thereof, be in writing, and subscribed by the party charged, or by his agent; evidence, therefore, of the agreement cannot be received without the writing, or a secondary evidence of its contents:
x x x
(b) A special promise to answer for the debt, default, or miscarriage of another;
x x x”
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.
Comments