Kontrata ng show, mag-e-expire na… TIKTOCLOCK, PAPALIT DAW SA IT'S SHOWTIME SA DECEMBER
- BULGAR

- Nov 23, 2024
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | Nov. 23, 2024
Nagsalita na si Atty. Annette Gozon-Valdes sa mainit na isyung pinag-uusapan ngayon na hindi na ire-renew ng GMA Network ang kontrata ng It’s Showtime (IS) na mag-e-expire sa December. Sa halip, ang TikToClock daw ang papalit sa slot ng show nina Vice Ganda kapag nawala ito sa Kapuso Network.
“We are in the process of negotiations now for the renewal of Showtime,” maiksing sagot ni Atty. Annette, ang Senior Vice-President ng GMA Network.
Sa follow-up question ng PEP kung mas malaki ang posibilidad na manatili sa GMA-7 ang IS, sagot nito via text sa PEP Troika, “I do not know who releases this info, since we are still currently negotiating nga for Showtime’s renewal.”
Ang tinukoy na info ni Atty. Annette ay ‘yung TikToClock ang papalit sa time slot ng show nina Vice. May Kapamilya at Kapuso fans na nga na nag-aaway-away tungkol dito, na para bang iinit uli ang network war kapag walang renewal na nangyari sa IS.
Asia's Songbird, binastos daw… REGINE, INI-LEVEL KAY CHLOE SA PICTURE, FANS GALIT NA GALIT
Nag-TikTok video na si Regine Velasquez para siguro matapos na ang isyu na she was disrespected by the ABS-CBN Digital Team nang ilagay ang photo niya sa level 2 ng artcard para sa promo ng MYX Awards Night kagabi.
Naging malaking isyu sa mga fans ni Regine ‘yun dahil maliit na nga ang photo niya, maliit pa ang billing at nasa dulo, bandang ibaba, ang photo niya.
Kahilera niya sina Elijah Canlas, Alexa Ilacad, KD Estrada at Chloe San Jose na hindi matanggap ng mga fans ni Regine, lalo na sa kaso ni Chloe.
Nasa itaas ng art card with bigger names and bigger photos sina James Reid, BINI Jhoanna, Fyang Smith, at BINI Maloi.
Nag-sorry ang ABS-CBN Digital Team pati na rin ang MYX, nagpadala sila ng bouquet of flowers at may kasamang note na nagso-sorry. Tinanggap ni Regine ang apology, pero nanggigigil pa rin ang mga fans nito kahit nakiusap na si Songbird na kumalma na ang kanyang mga fans.
Anyway, sa kanyang TikTok video, inamin ni Regine na, “It’s no longer my time in the industry.”
Masakit man sa fans niya, ito ang totoo at tanggap ni Regine. Pero, ine-enjoy daw niya ang buhay niya at respeto na nakukuha niya sa kanyang peers.
Sabi pa nito, she’s been in the industry for almost 40 years at ayaw na raw niyang mag-compete. Enjoy siyang maging mentor at gusto niyang kinukuha siyang guests sa concert ng mga batang singers. Sayang daw ang learnings and knowledge na nakuha niya for 40 years, kesa naman isama lang niyang mabaon sa lupa.
Ang ganda ng sinabi nito na ayaw niyang maging in denial na kahit hindi na niya time, nasa isip pa rin niya na nasa itaas pa rin siya. Dapat daw na maging realistic sa nangyayari and for her, nasa industry pa rin siya. In fact, may concert siya sa February, 2025 at may new album siyang released. Kaya nga, she’s still here!
“Common, I’m 54 years old,” banggit ni Regine.
May nag-react na kulang ang comment na ito ni Regine, dapat daw ay “Common, I’m freakin’ 54 years old.”
Gaya sa ibang kasama sa cast ng Uninvited, honored din si Tirso Cruz III na makasama sa isa sa pinakamalaking entries sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF).
“It’s an honor to be part of Uninvited. The one thing I can be proud of is, magagaling na mga artista ang mga kasama ko rito. On the side, it is also an honor to be directed by Dan Villegas. As an actor-director, direct to the point kung mag-direct s’ya at sinasabi kung ano ang gusto n’ya. Alam mo kung ano ang ibibigay mo,” pahayag ni Tirso.
Sa trailer, walang masyadong eksena si Tirso, pero siguradong mangangabog siya kapag ipinalabas na ang Uninvited simula sa December 25, 2024. Hindi pala natanong si Pip kung ilang pelikula na ang nagawa niya na kasama si Vilma Santos-Recto, na siguradong marami na rin.








Comments