top of page
TEKA NGA - KIM, BIGLANG INIWAN ANG CAREER SA ‘PINAS PARA TUMIRA SA CANADA_IG _chinitaprinc

Tauhan ng QC Task Force Disiplina, arestado... Edad 15, 18 at 19 pinagbabaril, todas

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | October 13, 2026



3 lalaki ang nasawi matapos pagbabarilin ng isang miyembro ng Task Force Disiplina sa kahabaan ng Senatorial Road, Brgy. Batasan Hills, QC - QCPD Station 6

Photo: QCPD Station 6



Tatlong lalaki ang nasawi matapos pagbabarilin ng isang miyembro ng Task Force Disiplina sa kahabaan ng Senatorial Road, Brgy. Batasan Hills, Quezon City, kahapon ng madaling-araw.


Tinukoy ang mga biktima na edad 15, 18 at 19.

Naaresto naman ang 32-anyos na suspek na si alyas Dennis.


Ayon kay PLt. Col. Gemmer Tubiera, lumabas umano ng bahay ang mga biktima upang bumili ng pagkain nang makasalubong nila ang suspek na galing sa inuman.


Sinita umano ng suspek ang grupo dahil dis-oras na ng gabi at nasa labas pa ang mga ito.


Gayunman, matapos umanong hindi pansinin ng mga kabataan ang kanyang pagsita, nagkaroon ng tensiyon bago naganap ang pamamaril.


Tig-iisang tama ng bala ang tinamo ng mga nasawing biktima, isa sa tagiliran, isa sa dibdib at isa sa ulo.


Naniniwala ang pulisya na posibleng nagawa ng suspek ang krimen dahil sa pagkapikon at kalasingan.


Samantala, sinabi ng ama ng 15-anyos na biktima na inutusan lamang niya ang anak na bumili ng gamot nang mangyari ang insidente.


Nakuha naman sa suspek ang umano’y ginamit na baril at motorsiklo.


Sa pahayag ng suspek, sinabi niyang wala siyang pinagsisisihan sa nangyari at iginiit na ang hukuman na lamang ang magpapasya sa kanyang pananagutan. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page