MC taxi driver, buking sa P278M shabu

ni Mai Ancheta @News | October 12, 2026

Photo: Circulated / CDB
Nasabat ng mga awtoridad ang ilegal na droga na nagkakahalaga ng P278.8 million sa buy-bust operation sa Arca St., Brgy. Mabolo, Cebu kahapon ng umaga, Oktubre 11.
Tinatayang mahigit 40 kilos ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa isang motorcycle taxi driver na ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency Region 7, ay pinakamalaking huli nila sa loob ng nakalipas na 10 taon.
Ayon kay PDEA 7 Regional Director Joel B. Plaza, ang pagkasakote at pagkasamsam sa ilegal na droga ay resulta ng isang buwang case build-up batay sa mga nakuhang impormasyon.
Sa ginanap na operasyon ay nasakote ang suspek na si "Erwin," 30, ng Basak Pardo, Cebu City.
Batay sa report, kaya umanong magbenta ng suspek ng lima hanggang sampung kilo ng shabu sa loob ng isang linggo.
Ang suspek ay nakakulong na sa pasilidad ng PDEA 7 habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.





Comments