top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Konsiderasyon sa curfew, ibigay sa mga manggagawa!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 30, 2021
1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | March 30, 2021



Sa kabila ng pagpapatupad ng curfew mula alas-6:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling-araw sa NCR Plus Bubble na isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) mula kahapon, Lunes, Marso 29 hanggang Abril 4, 2021, tiniyak ng National Task Force Against COVID-19 na magiging “compassionate” ang mga awtoridad.


Ayon sa NTF, bibigyan ng konsiderasyon ang mga indibidwal na pauwi sa kanilang bahay, subalit mayroong window period mula alas-7:30 hanggang alas-8:00 ng gabi. Kung lalagpas na ang mga ito, maghihigpit na ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na siyang nagmamando ng mga checkpoints.


Matatandaang, hindi maaaring lumabas ang mga 17-anyos pababa at lagpas 65-anyos mga lugar na nasa ilalim ng ECQ, habang ang mga essential workers ay dapat magpakita ng company ID, ngunit hindi na kailangan ang travel pass.


Kung tutuusin, hindi makatotohanan ang ganito kaagang curfew kung kasama ang mga empleyado.


Siyempre, nariyan ang pahirapang pagbiyahe dahil sa limitadong transportasyon, natenggang mga komyuter sa terminal, checkpoint at kung anu-ano pang dahilan.


Kaya sa pagkakataong ito, dapat lang ikonsidera ang ordinaryong manggagawa na kumakayod sa kabila ng mas mahigpit na quarantine restrictions.


Isa pa, hangad nating hindi lang basta maging pangako ang konsiderasyong ito dahil dapat matiyak ang maximum tolerance ng kapulisan na nasa checkpoint para maiwasan ang initan o sakitan ‘pag may paglabag.


Panawagan sa lahat—mapa-awtoridad man o mamamayan—doblehin ang pang-unawa at disiplina dahil ginagawa ang mga paghihigpit na ito upang mabawasan ang hawaan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page