top of page
FRANKLY - PIKTYUR NI ELLEN NA MAY KASAMANG MALE MODEL SA CHINA, AGAW-EKSENA_IG _maria.elen

Konsehala, tiklo sa ilegal na pagbebenta ng petrolyo

Writer: BULGAR
BULGAR
21 hours ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | November 18, 2026



Si Konsehala She Gutierrez matapos kuhanan ng kanyang mugshot sa San Narciso Municipal Police Station sa Zambales kahapon. (Jeff Tumbado)

Photo: Si Konsehala She Gutierrez matapos kuhanan ng kanyang mugshot sa San Narciso Municipal Police Station sa Zambales kahapon. (Jeff Tumbado)



Arestado ang isang konsehal ng bayan ng Subic, Zambales matapos isilbi ng mga pulis ang warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng umano’y ilegal na pagbebenta ng mga produktong petrolyo nitong Martes ng umaga, Nobyembre 17.


Kinilala ang suspek na si Sherille "She" Gutierrez y De Luna, 51, na dinakip ng tracker team ng San Narciso Municipal Police Station alas-10:45 ng umaga sa Brgy. Libertad, San Narciso, Zambales.


Isinagawa ang pag-aresto batay sa warrant of arrest na inilabas noong Nobyembre 16, 2026 ni Judge Denise A. Dacanay-Sagun ng Municipal Trial Court sa San Narciso, Zambales.


Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 2(A) ng Presidential Decree No. 1865 o ilegal na pangangalakal ng petrolyo at mga produktong petrolyo, kaugnay ng Section 3 ng Batas Pambansa Blg. 33, na inamyendahan ng nasabing kautusan.


Nagtakda ang korte ng P30,000 piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Matapos ang pag-aresto, dinala ang suspek sa San Narciso Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page