top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Konsehal na, may mga negosyo pa… NASH, GAME NANG PAKASALAN SI MIKA

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 3, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | September 3, 2022



Sa edad niyang 23, marami nang naipundar na kabuhayan ang dating child star na si Nash Aguas.


May sarili na siyang negosyo, ang noodle house na Muramen na may 13 branches na.


Nakabili na rin siya ng lote na pagtatayuan ng kanyang dream house para sa kanyang future family.


May mga apartment unit siyang balak paupahan matapos ang renovation nito na ang GF niyang si Mika dela Cruz ang nag-asikaso.


Sa ngayon ay nakatira pa rin si Nash Aguas sa dati nilang bahay sa Cavite kasama ang kanyang mama at lola. Ang kanyang condo unit ay balak na niyang ibenta dahil mas gusto pa rin niyang manirahan sa Cavite lalo na't pinalad siyang manalong konsehal doon.


Balak na rin ni Nash Aguas na magpakasal. 'Yun ay kung handa nang mag-settle down si Mika dela Cruz. Magiging tandem sila sa pagharap sa mga hamon ng buhay.


Well, sana ay tularan ng ibang young actors si Nash Aguas na nagsikap maabot ang kanyang goal sa buhay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page