Kongreso, dapat maghinay-hinay... VP Sara, ‘pag kinasuhan at pinatalsik, 32M botante ang magagalit
- BULGAR

- Oct 31, 2024
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Oct. 31, 2024

MGA TAGA-PHILHEALTH, PETITIONERS AT SEN. BONG GO, NAGBUNYI SA TRO NG SC NA PAGPIGIL NA ILIPAT SA NATIONAL TREASURY SOBRANG PONDO NG AHENSYA -- Nagbunyi ang mga taga-PhilHealth, mga petitioner at maging si Sen. Bong Go, Senate chairman ng Committee on Health and Demography sa inilabas na temporary restraining order (TRO) sa paglipat ng sobrang P89 bilyong pondo ng PhilHealth sa national treasury.
Isa si Sen. Bong Go sa mga bumabatikos sa desisyon ni Finance Sec. Ralph Recto na ibigay ng PhilHealth ang sobrang pondo nito sa national treasury para raw magamit sa iba’t ibang proyekto ng pamahalaan, na ang duda ng senador, ng mga taga-PhilHealth at ng mga petitioner na baka makurakot lang ito (P89B), imbes na magamit sa health care ng mamamayan.
Dahil sa TRO na iyan ng SC, nakatitiyak na ang mamamayan na mas mapagbubuti pa ng PhilHealth ang serbisyo sa sambayanan, period!
XXX
VP SARA, HINDI LANG PALA KAKASUHAN NG PLUNDER, I-IMPEACH PA -- Hindi lang pala plunder case ang plano ng Kongreso na isampa kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio, kundi nais din pala nilang i-impeach ang bise presidente.
Naku, hinay-hinay ang Kongreso sa mga plano nilang ito dahil sabi noon ni Sen. Imee Marcos patungkol sa mga kongresista, “Naghahamon ba kayo sa 32M?”, na ang tinutukoy ay iyong mga bumoto kay VP Sara.
Sa totoo lang, dapat lang talagang maghinay-hinay ang Kongreso dahil baka hindi nila mapigilan kapag nagalit iyang 32M voters ni VP Sara, boom!
XXX
KAPAG NAGKASABAY NA KINASUHAN ANG MAG-AMANG DUTERTE, BAKA ISIPIN NG PUBLIKO NA PINEPERSONAL NG MARCOS ADMIN ANG PAMILYA DUTERTE -- Nais din ng Kongreso na sampahan ng kaso si ex-P-Duterte na may kaugnayan sa extrajudicial killings (EJK) hinggil sa pag-amin ng dating presidente na siya ang full legal responsibility sa bloody drug war noong Duterte administration.
Aba, dapat isa-isa lang, huwag naman na kakasuhan na ng Kongreso ng plunder at i-impeach pa si VP Sara, tapos kakasuhan din ng multiple murder si ex-P-Duterte, dahil kapag pinagsabay nila na sampahan ng mga ganyang kaso ang mag-amang Duterte ay malamang isipin ng publiko na masyado nang pinepersonal ng Marcos admin ang pamilya Duterte, period!
XXX
KAYA MALALA ANG TRAPIK SA MANILA DAHIL ILANG TRAFFIC ENFORCER, IMBES MAGMANDO NG TRAPIKO, NAG-AABANG NG MAKOKOTONGANG MOTORISTA -- Sa inilabas na data ng Asian Vibes ay ikatlo ang Manila sa mga lungsod sa Asya na may pinakamalalang problema sa daloy ng trapiko.
Hay naku, ba’t naman hindi lalala kasi imbes magmando ng trapiko ang ilang traffic enforcer sa Manila, eh ang inaatupag magtago para kapag nagkabuhol-buhol ang daloy ng trapiko, at may motoristang gagawa ng traffic violation saka lilitaw ang traffic enforcer, huhulihin ang lumabag at saka kokotongan, boom!







Comments