top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Knows mo ‘yun. besh?... Carrots, epektib na pang-iwas sa heart disease at stroke

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 15, 2023
2 min read

ni Jenny Rose Albason @Life & Style | June 15, 2023





Ang isa sa pinakaimportanteng pagkain na inaalok ng ating inang kalikasan ay ang carrots. Ang gulay na ito ay bahagi na ng halos anumang ulam, mula sa nilaga, salad, roasts at maging sa mga juices. Gayunman, ito ay puno ng sustansyang sumusuporta sa ating kalusugan mula ulo hanggang paa.


Mahigit 30 calories lamang at mas mababa pa sa one gram ang protein ng bawat carrots. Ang gulay na ito ay pangunahing gawa sa tubig at carbohydrates, bagama't naglalaman ito ng sugars, mayroon din itong starch, fiber, at maraming phytonutrients.


Mayaman din ito sa mga antioxidant, iba't ibang uri ng bitamina at mineral. Ang namumukod-tangi sa carrots ay ang vitamin A na mahalaga sa kalusugan ng ating mata, immunity, growth at reproductive health.


Narito ang ilang mga benefits ng carrots sa ating katawan:

  • PAMPALINAW NG MATA. Pinoprotektahan ng vitamin A ang kalusugan ng ating mata. Ang natural na orange na kulay ng carrot ay tanda ng maraming beta-carotene, na pinagmumulan ng vitamin A. Mayroon din itong iba pang mga eye-healthy carotenoids kabilang ang lutein at zeaxanthin.

  • PROMOTE DIGESTION. Ang fiber ay tumutulong upang tayo’y mabilis na mabusog. Nakakatulong din ito sa good digestion at absorption. Ang mga carotenoid ay maaaring may prebiotic effect at nakakatulong sa isang malusog na gut barrier bilang karagdagan sa pakikipaglaban sa mga free radicals.

  • PAGKONTROL SA BLOOD SUGAR: Ang carrots ay isang non-starchy na gulay, isa itong magandang source ng fiber, at may mababang glycemic value. Ang mga ito ay may mga katangian na nakakatulong sa pag-manage ng ating sugar levels.

  • NAKAKABUTI PARA SA PUSO. Ang carrots ay mayaman din sa antioxidant tulad ng lutein at zeaxanthin, na nakakapagbawas ng oxidative stress at inflammation sa ating cardiovascular system. Ang carrots ay nakakatulong din sa pagkontrol ng cholesterol levels at blood pressure. Ito ay maaaring makaiwas sa panganib ng heart disease at stroke.

  • NAKAKAPAGPAPALAKAS NG IMMUNE SYSTEM. Ang carrots ay mayaman din sa vitamin C, na isang antioxidant na nakakatulong sa paglaban sa mga impeksyon at sakit. Ang vitamin C ay nakakatulong din sa paggawa ng collagen, na isang protein na responsable para sa ating balat.

  • NAKAKAPAGPABUTI NG BRAIN FUNCTION. Ang carrots ay mayaman din sa potassium, na isang mineral na mahalaga para sa ating nervous system at brain health. Ang potassium ay nakakatulong sa pag-regulate ng fluid balance at nerve impulses sa iyong katawan. Ang pagkain ng carrots ay maaaring makatulong sa pag-improve ng memory, concentration, mood, at cognitive function.


Generally speaking, ligtas at isang magandang ideya na kumain ng maraming carrots hangga't gusto mo. Oo, may mga rare cases na kung saan tayo ay nakakonsumo ng napakaraming beta-carotene mula sa mga pagkain tulad ng carrots, kalabasa, kamote, cantaloupe, at oranges na kung saan ay kulay orange ang kanilang balat, isang kondisyon na tinatawag na carotenemia.


Kung worried ka na baka ikaw ay tumaba sa pagkain ng carrots, ‘wag kang mag-alala dahil hindi ka patatabain nito! Kaya ano pang hinhintay mo, besh? Isama mo na ang carrots sa pagda-diet mo, okie?



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page