Knows mo 'yan, Xian?... KIM, KUMANTA SA TAONG MAHAL PA RIN HANGGANG NGAYON
- BULGAR

- Nov 4, 2020
- 1 min read
Julie Bonifacio - @Winner | November 4, 2020

Tinutukan ng mga fans ni Kim Chiu ang isasagot niya sa tanong ni Vice Ganda habang nagho-host sila sa Musikahall segment ng It's Showtime kahapon.
Sa nabanggit na segment kasi ay isa-isang binabasa nina Vice at Kim ang mga kanta at umawit nito na pagpipilian ng contestant. At isa sa mga kanta ay pinasikat ng grupong Rockstar noong dekada '90, ang Mahal Pa Rin Kita.
Biglang naalala ni Vice na nadulas daw siya nu'ng unang beses na kinanta niya ang Mahal Pa Rin Kita sa It's Showtime.
Pagkatapos ay tinanong ni Vice si Kim na kung meron itong pagsasabihan ng "Mahal pa rin kita," kanino raw?
Napaisip muna si Kim. Waiting naman ang madlang pipol kung may aaminin ang aktres na nakarelasyon noon na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya.
Bukod sa boyfriend ni Kim na si Xian Lim, walang ibang male star na naugnay sa kanya kundi si Gerald Anderson.
Mabuti na lang at witty at malakas din ang sense of humor ni Kim kaya 'di siya napaamin ni Vice.
"Mahal pa rin kita? Uh.... siyempre, nanay at tatay ko," say ni Kim.
Waley naman sigurong reaksiyon si Gerald sa sinabi ni Kim, ha?





Comments