Knows mo 'yan, John Lloyd? ANAK NI ELLEN, MAS GUSTONG SI DEREK ANG KATABI
- BULGAR
- Jan 24, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | January 24, 2023

Sinagot ni Ellen Adarna ang tanong ng isang netizen tungkol sa kung paano umano siya nagkaka-income.
Na-curious kasi ang netizen na nasa bahay lang naman daw ang misis ni Derek Ramsay, pero name-maintain ang luho like mga branded niyang gamit.
Hindi naman daw siguro lahat ay si Derek ang nagso-shoulder ng kanyang personal na gamit.
Direktang sinagot ni Ellen ang tanong. Aniya, may kita rin naman daw siya sa kanyang mga produktong ineendorso bukod sa 'share' na ibinibigay umano sa kanya ng pamilya niya sa Cebu.
Kilala ang pamilya ni Ellen sa Cebu kung saan nandu'n ang lahat ng kanilang negosyo.
Kaya kahit hindi na magtrabaho ang aktres ay kayang-kaya na niyang mabuhay mula sa ipinapadalang dibidendo ng pamilya niya.
Hinggil naman sa kung ano ang naiaambag niya sa house nila ni Derek, tuwirang sagot nito, "Presence at existence."
Kung sa mga bashers naman daw ay "kebs" lang siya sa mga ito dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya.
Ibinahagi rin ni Ellen sa social media ang video ng anak niyang si Elias na mas pinipiling tumabi kay Derek.
Base sa video na mukhang kuha sa loob ng eroplano, makikita si Derek na nakaupo sa isang malaking seat habang si Elias naman ay nakasiksik sa tabi ng aktor habang may pinapanood.
Maririnig sa video ang pagpapabalik kay Elias ng ina sa upuan ngunit mas ginusto niyang matulog katabi ang kanyang "Papa D."
How sweet ng mag-stepdad!!!
Comments