top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Knows mo 'yan, Bianca? YASSI, SI RURU ANG KASAMA SA B-DAY

Writer: BULGAR
BULGAR
May 13, 2023
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | May 13, 2023



Nagkita na ang mga bida ng pelikulang Video City na sina Yassi Pressman at Ruru Madrid bago pa ang nangyaring storycon nito kahapon.


Nangyari ang pagkikita ng dalawa noong May 11 na kaarawan ni Yassi, kaya nga isa sa mga nakasama ng aktres ang aktor sa kanyang birthday celebration.


Ipinost ni Yassi ang video clip ng nasabing pagkikita nila ni Ruru at ni Director Raynier Brizuela. Makikita rin dito na nagkasundo agad ang dalawa.


Ang tema ng pelikula ay fantasy-rom-com at ito raw ay inspired sa sikat na video rental shop nu'ng dekada '90 na Video City.


"Special sa puso ko ang lugar na iyon na nilalakad ko kahit malayo nu'ng bata pa ako, para lang po makarenta ng pelikula at makapanood kasama ang pamilya. Sobrang excited na akong makabalik."


Isa sa mga nag-comment sa naturang post ni Yassi ay ang co-star na si Ruru na ang sabi, "Let's do this!!! Happy birthday, Yas!"


Sa video na ipinost ni Yassi, makikitang masigla si Ruru at tila wala itong jetlag kahit na kababalik lang nila ng nobyang si Bianca Umali mula sa Paris.


Masaya ang naging kuwentuhan nina Yassi at Ruru kasama ang kanilang director para sa pelikulang pagsasamahan nila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page