Knows mo ba ‘yun, Regine? RYAN BANG AT FIANCÉE, MUNTIK NANG MAGHIWALAY DAHIL KAY OGIE
- BULGAR

- Feb 28, 2025
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | Feb. 28, 2025
Photo: Ryan Bang - IG
Nabigla si Gladys Reyes nang sabihin ni Ryan Bang kung sino ang pinagseselosan ng fiancée niyang si Paola Huyong.
Guest ni Gladys ang Korean actor-TV host kamakailan sa kanyang vlog. Naikuwento ni Ryan na may pinagseselosan ang girlfriend niyang si Paola.
Natanong ni Gladys ang mga kasamahan niya sa It’s Showtime (IS).
While talking about the hosts of IS, Gladys asked Ryan about singer-songwriter Ogie Alcasid na siyang close kay Ryan.
“Isa s’ya sa pinaka-close ko ngayon. Saka, first time na nagselos si Paola dahil kay Kuya Ogie,” ani Ryan.
“Bakit! Ano ‘yun? Hindi ko alam ‘yun!” tanong pa ni Gladys.
Aniya, “Bukambibig ko raw si Kuya Ogie. Usually, ‘di ba, nagseselos ‘yung mga babae sa babae? S’ya, nagselos s’ya kay Kuya Ogie kasi sabi ko, ‘Alam mo, si Kuya Ogie, pag-swing n’ya, napaka-sexy.’ Magkasama kami lagi sa golf. So sobrang galing ni Kuya Ogie mag-golf, kaya naging idol ko s’ya.”
Pagbubulgar pa ni Ryan, “First time ko nag-champion sa golf tournament sa ABS-CBN Golf Tournament, eh, dahil kay Kuya Ogie.
“In love na in love ako kasi ang galing n’yang mag-golf! Muntik na kami maghiwalay ni Paola dahil kay Kuya Ogie Alcasid.”
Kaya sabi ng aktres, “Naku, ah, sa mga ‘di nakakaalam, imagine mo, hindi ibang babae ang pinag-awayan nila.”
NAGBIGAY ng sweet message si Dani Barretto para sa newlyweds na sina Michele Gumabao at Aldo Panlilio.
Brother-in-law ni Dani si Aldo na kapatid ng mister niyang si Xavi.
Ikinasal sina Aldo at Michele last Tuesday (February 25) sa National Shrine of the Sacred Heart sa Makati.
Sa Instagram ni Dani, ibinahagi niya ang ilang clips at photos ng wedding ceremony.
Ani Dani sa caption: “Congratulations @aldopanlilio12 & @gumabaomichele!!!”
Pahabol pa niya, “PS. Bigyan n’yo na ng pinsan si Millie & Riley please.”
Nailigtas lang daw ng anak, Elisse…
MCCOY, 2 BESES NAG-TRY MAG-SUICIDE
GUEST ni Ogie Diaz si McCoy De Leon sa kanilang YouTube (YT) Channel, ang Showbiz Update (SU).
Sa programa, emosyonal na ikinuwento ng actor na dalawang beses siyang naisalba ng anak na si Felize sa hindi inaasahang paraan. ‘Yun umano ang naging dahilan upang ipagpatuloy pa niya ang buhay.
Ayaw daw niyang lumaki na walang ama ang kanilang anak ni Elisse Joson.
Idinetalye ni McCoy ang pagkakataong sinarili na lamang niya ang problema at piniling mapag-isa. Aminado siyang nakaisip mag-suicide, subalit nabago dahil lamang sa larawan ng kanyang anak.
“Nasa edge na ako ng window, and sabi ko, ayoko na. Kasi ‘di ko na maprotektahan ‘yung sarili ko rin. Pa’no ko sasagipin ‘yung sarili ko, hindi ako nagsasalita. Kinimkim ko,” pagbabahagi ng aktor.
“Ini-request ko lang na makita ‘yung picture ng anak ko. Then after nu’n, nu’ng makita ko ‘yung picture ng anak ko, na-realize ko na from now on, kaya ko iko-continue ang life ko, para sa baby ko.
“Ayaw ko s’yang lumaki na walang tatay,” naiiyak niyang nasabi.
Ayon pa kay McCoy, sa tuwing sumasapit ang kanyang kaarawan, iniaalay niya ito para sa anak na si Felize na siyang dahilan para ipagdiwang niya ang biyaya ng buhay.
Sa kasalukuyan, siya ay isa sa mga pangunahing kontrabida sa FPJ's Batang Quiapo (BQ), kung saan ginampanan niya ang papel ni David Dimaguiba, isang karakter na bagama’t kinaiinisan ng maraming sumusubaybay ay nagsisilbi pa ring patunay na pinaghuhusayan niya ang kanyang pagganap.
Katunayan, nakakatanggap siya ng mga banta sa kanyang buhay.






Comments