Knows mo ba yan, Julia? JOROSS, KUMANTA SA GINAWA NILA NI COCO SA NIGHTCLUB ABROAD
- BULGAR
- Oct 29, 2022
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 29, 2022

Versatile actor na matatawag itong si Joross Gamboa.
Puwede siya sa drama, action at comedy.
Sa Labyu With An Accent na MMFF 2022 entry nina Coco Martin at Jodi Santamaria ay join si Joross. Kasama rin siya sa Pangarap Kong Oscars with Paolo Contis.
Sa Amerika nagsu-shoot ng LWAA ang ilang cast ng movie. Hindi lang siya kasama sa mga eksenang kinukunan ngayon sa Amerika, may eksena rin siyang kukunan dito sa Maynila.
Ayon kay Joross, may pagka-maharot daw ang mga eksena nila ni Coco.
“Kami ‘yung dito sa ano… mga gigolo kami, mga agogo dancers,” sabi ng aktor sa isang panayam.
“Nakakatuwa naman na kumbaga, parang Probinsyano pa rin, eh, same group.
Nakakatuwa,” aniya pa.
Napaka-professional ni Joross sa mga eksena nila nina Coco at Zeus Collins sa Labyu With An Accent na kinunan noong Setyembre sa The One 690 Entertainment Bar sa Roces Ave., Quezon City.
Magiliw na nagpa-picture sina Joross at Coco sa 690 Hunks na ipinost nila sa kani-kanilang Facebook account.
November 5 daw sila muling magre-resume ng shooting sa 690 at makakasama na sa eksena si Jodi.





Comments