top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Knicks, naniguro sa Playoffs, habang humihirit pa ang Lakers

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 4, 2023
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | April 4, 2023




Kasama na ang New York Knicks sa mga sigurado na sa 2023 NBA Playoffs matapos talunin ang bisitang Washington Wizards, 118-109 kahapon sa Madison Square Garden.


Patuloy din ang huling hirit ng Los Angeles Lakers at tinambakan ang Houston Rockets, 134-109.


Tinulungan ng Knicks ang sarili at humataw sa 3rd quarter sa likod nina Quentin Grimes at Jalen Brunson hanggang lumobo ang kanilang lamang sa 114-94 bago ang last 2 minutes. Parehong nagtapos na may tig-27 puntos sina Grimes at Brunson at balik-playoffs na ang New York matapos hindi makapasok noong 2022.


Ipinagdiwang Lakers ang ika-3,500 panalo sa kanilang 75 taon sa malaking paraan at nagsabog ng 40 puntos si Anthony Davis at triple double si LeBron James na 18 puntos, 10 rebound at 11 assist. Matibay sa ika-7 puwesto ang Lakers (40-38) at kalahating laro na lang ang hahabulin sa LA Clippers at World Champion Golden State Warriors na tabla sa 41-38 para sa ika-lima at ika-anim na puwesto sa Western Conference.


Nalagay ang Warriors sa peligro na dumaan sa Play-In Tournament at nagwagi sa kanila ang Denver Nuggets, 112-110. Sapat na ang tinayong 112-101 lamang ng Nuggets sa huling 2:47 at kumuha ng lakas sa 29 puntos ni Michael Porter Jr. sa gitna ng pagliban ni MVP Nikola Jokic.


Pinatatag ng Milwaukee Bucks ang estado bilang numero uno ng buong NBA at pinabagsak ang Philadelphia 76ers, 117-104. Bumida muli si Giannis Antetokounmpo na may 33 puntos at 14 rebound at lumayo ang Bucks (56-22) sa humahabol na Boston Celtics (54-24).



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page