top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Knicks malapit na sa Semis, Warriors patas na sa Kings

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 25, 2023
2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | April 25, 2023




Papalapit na ang New York Knicks sa Eastern Conference Semifinals matapos magwagi muli sa paboritong Cleveland Cavaliers, 102-93, sa 2023 NBA Playoffs kahapon sa Madison Square Garden. Pinantay din ng World Champion Golden State Warriors ang serye kontra Sacramento Kings, 2-2, matapos ang 126-125 pagtakas sa Game 4.


Kumilos ang New York sa fourth quarter at ibinalik ng buslo ni RJ Barrett ang lamang, 77-76, at hindi na nila binitawan ito sa nalalabing 9:36. Inihatid ni Jalen Brunson ang maagang pandiin na three-points at lumayo sa 97-87 ang Knicks at 1:45 sa orasan.


Nanguna sa atake si Brunson na may 29 puntos, walo sa fourth quarter at lamang na sa serye ang Knicks, 3-1. Sumunod si Barrett na ipinasok ang 10 ng kanyang 26 puntos sa parehong quarter.


Pinalayo ng shoot ni Andrew Wiggins ang Warriors, 126-121, at 1:25 sa fourth quarter.


Mula doon ay nabitin ang tangkang paghabol ng Kings na wagi sa unang dalawang laro ng serye. Bumida sa Golden State si Stephen Curry na may 32 puntos. Sumunod si Splash Brother Klay Thompson na may 26 puntos.


Sa ibang mga serye, isa na lang ang kailangan ng Boston Celtics at wagi muli sa Atlanta Hawks, 126-121. Umiwas na mawalis ang Minnesota Timberwolves at pinutol ang tatlong sunod na tagumpay ng Denver Nuggets, 114-108.


Samantala, tumanggap ng masamang balita ang Miami Heat at hindi na makakalaro sa buong Playoffs si Victor Oladipo. Napilay ang tuhod ni Oladipo noong Game 3 laban sa Milwaukee Bucks at kailangan niyang sumailalim ng operasyon at maaaring hindi ito hihilom para sa simula ng bagong taon ng NBA sa Oktubre. Lamang sa serye ang Heat, 2-1, at ang Game Four ay gaganapin sa kanilang tahanan sa Kaseya Center.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page