top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Knicks at Heat, kinumpleto ang EastCon Semifinals

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 28, 2023
2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | April 28, 2023



Kumpleto na ang Eastern Conference Semifinals sa magkahiwalay na panalo ng New York Knicks at Miami Heat sa 2023 NBA Playoffs kahapon. Pumulot din ng mahalagang tagumpay ang World Champion Golden State Warriors laban sa Sacramento Kings, 123-116 at lumamang na ng 3-2 sa seryeng best-of-seven sa Western Conference.


Patuloy ang mga milagrong nilikha ni Jimmy Butler at binuhay niya ang Miami sa 128-126 panalo sa overtime kontra sa numero unong Milwaukee Bucks at wakasan ang serye, 4-1. Ipinasok ni Butler ang bola kasabay ng huling busina ng 4th quarter upang itakda ang karagdagang limang minuto, 118-118.


Sa overtime, itinayo ng dalawang free throw ni Max Strus ang 128-124 lamang na may 40 segundong nalalabi at naka-shoot si Giannis Antetokoumpo upang makalapit subalit kinapos sa oras ang Milwaukee. Nagtapos na may 42 puntos si Butler at maghahanda na sila para harapin ang Knicks simula sa Lunes.


Muling sumandal sa depensa ng New York upang mabigo ang Cleveland Cavaliers, 106-95, at tapusin ang serye, 4-1. Nagtala ng 23 puntos si Jalen Brunson at hindi lumampas sa 100 ang puntos ng Cavs sa apat na panalo ng Knicks.


Nagwagi na rin sa wakas ang Warriors sa serye sa tahanan ng Kings at maaari na nila ito tapusin sa Game Six sa Chase Center sa Sabado. Naglabas muli ng bangis ang Splash Brothers Stephen Curry na may 10 ng kanyang 31 puntos sa fourth quarter at Klay Thompson na nag-ambag ng 25.


Napigil ng Memphis Grizzlies ang martsa patungong semifinals ng Los Angeles Lakers, 116-99, at sisikapin na mapantay ang serye sa Game Six ngayong Sabado sa Crypto.com Arena. Naging bayani sa kanilang mga double-double sina Desmond Bane na may 33 puntos at 10 rebound at Ja Morant na may 31 puntos at 10 rebound.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page