top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kitang-kita raw niya… ROMNICK, IBINUKING SINA KATHRYN AT DANIEL SA TAPING NG SERYE

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 21, 2022
1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 21, 2022



Hangang-hanga si Romnick Sarmenta sa reel and real-life sweethearts na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Nakasama ni Romnick ang KathNiel sa seryeng 2 Good 2 Be True at dito niya nadiskubre kung ano ang ugali ng dalawa sa set.


“Through the time that we’re together, nakikita namin ‘yung malasakit nila sa maraming tao, sa maraming bagay,” ani Romnick sa panayam ni Miguel Dumaual ng ABS-CBN.


Sila raw na mga katrabaho ng KathNiel ang nakakakita kung gaano kabuting tao ang dalawa.


“Hindi siya pakita lang, eh, hindi siya sa set lang, hindi siya ‘yung dahil magkakasama lang kayo,” aniya.


“Nakikita namin ‘yung consistency nila. Nakikita rin namin ‘yung hindi naman nila kailangang magmalasakit sa isang bagay na nangyari pero nakatutok silang pareho,” he added.


Kapag may nagaganap daw na hindi magandang pangyayari sa set, ang KathNiel ang nangunguna sa pag-aasikaso.


“'Pag may naganap kunwari sa set, may narinig sila na merong… hindi naman aksidente, pero medyo nasaktan sa isang set, kunwari, utility or something, ‘Uy, nabagsakan ng ganito si ano sa paa,’ titigil ‘yung dalawa, ‘Asan siya?’


“Pupuntahan nila ‘yun, tsetsekin nila, tatanungin nila kung ano ang kailangan, magpapabili ng gamot or something.


“And this concern is, hindi nila ipinapakita sa iba. Ginagawa lang nila nang kusa. And consistent sila. Ibig sabihin, hindi ‘yung ginagawa lang nila kasi nandiyan sa harap ‘yung ganito,” kuwento ni Romnick.


“And I think that makes us, those people who work with them, love them more,” patuloy niya.


Para kay Romnick, ang magic ng KathNiel ay ang pagiging totoo raw ng dalawa sa isa’t isa, ang sincere na trato sa mga katrabaho at ang pagmamahal ng mga ito sa trabaho.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page