top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

KIT, KINONDENA NG MGA KAPWA ARTISTA SA PAMBUBUGBOG SA GF

BULGAR
Mar 20, 2022
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | March 20, 2022



Bago tinanong ni TV Patrol reporter Mario Dumaual ang cast ng pelikulang Island of Desire na idinirek ni Joel Lamangan handog ng Vivamax ay nagpasintabi muna siya na wala siyang pinatatamaan sa tanong niya.


Nauna munang tinanong ni Mario si Christine bilang leading lady ni Kit Thompson sa pelikulang Moonlight Butterfly na palabas na sa Vivamax nitong Sabado, Marso 19, tungkol sa kinasangkutang gulo ng aktor at ng nobyang si Ana Jalandoni.


“No comment po ako. Nagulat po ako, pero hindi ko po alam ang nangyari,” sambit ng dalaga.


At saka tinanong ang cast na sina Jela Cuenca, Rash Flores, Christine Bermas at Sean De Guzman kung ano ang stand nila sa violence against women by their partner kung nasa isang relasyon sila.


Sabi ni Jela, “Ang masasabi ko po, hindi siya okay talaga. 'Pag alam mong ganu’n na ‘yung partner mo na mananakit sa 'yo at wala silang karapatang saktan ka, dapat i-report mo na o habang maaga pa, layuan mo na para hindi na lalaki ‘yung pangyayari at proteksiyon mo na rin.


"If it’s about love, I think hindi love kasi kung mahal mo ang isang tao ay hinding-hindi mo sasaktan kahit ano pa ‘yung nagawa niya or nagawa mo. Siguro, mag-separate na lang para walang masasaktan sa inyong dalawa.”


“Naniniwala ako sa ‘yo, Jela," say naman ni Mario.


Bilang lalaki, ang opinyon naman ni Rash, “Sa akin, bilang lalaki ay maling-mali ‘yung ginawa siyempre. Kahit na anong ginawa ng isang babae ay hindi naman kailangang saktan kasi biruin mo, ang laki-laki natin, tapos sasaktan mo ang babae. Mga katawan ng babae, malalambot ang buto. Kaya para sa akin, kahit ano pang gawin ng isang babae, kailangan, hindi natin saktan, kailangan, mahalin natin. Kung may kasalanan, idaan sa pag-uusap, hindi kailangang saktan.”


Ayon naman kay Sean, “Ang masasabi ko po ay sobrang cancel po dapat ‘yung pananakit lalung-lalo na sa babae dahil napakasama nu’ng ganu’ng gawain, lalo na sa mga walang palag, walang laban na sinasaktan sila, sana matigil na ‘yung ganu’n.”


At si Christine, “Kahit po saan natin tingnan, maling-mali pong manakit ng partner, saktan ‘yung boy, saktan ‘yung girl, kahit saang aspect. Kahit ano pang reason ng pinag-awayan or something, maybe you talk first bago ka gumawa ng anumang gusto mong gawin. Maling-mali manakit, eh. Dapat alamin muna natin at never-never nating saktan talaga.”


Anyway, mapapanood na ang Island of Desire sa April 1 sa Vivamax directed by Joel Lamangan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page