Kissing scandal sa kapwa lalaki, kumalat… JERIC, SINITA NG GMA-7 DAHIL SA ISSUE NG PAMAMAKLA
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 16, 2022

Ipinatawag umano ng GMA-7 bosses si Jeric Gonzales, ayon sa batikang manunulat na si 'Nay Cristy Fermin.
Ang dahilan ay ang pagkaka-link ng aktor sa controversies na kinasasangkutan tulad nga ng kumalat na kissing photo scandal niya sa kapwa lalaki.
"Wala naman ibang isyung ikinakapit dito kay Jeric kundi 'yung pamamakla," matapang at diretsahang hirit ni 'Nay Cristy.
"Ipinatawag siya ng mga boss ng network, ng GMA, inilatag sa kanya, 'Ano 'to? Bakit laging ganito? Bakit ka raw nadadamay sa mga kuwento ng pamamakla?'
"Tapatin na natin, diretsuhin na natin. Wala namang ibang isyung ikinakapit dito kay Jeric kundi 'yung pamamakla. At 'yung pinakahuli, 'yung lumabas na litrato," patuloy na sabi ni 'Nay Cristy.
Ayon naman sa kasamahan ni 'Nay Cristy sa kanyang programa na si Romel Chika, "Sinabihan na siya na mag-ingat sa kanyang personal na mga lakad at mga ginagawa dahil hindi makakatulong ito sa kanyang career kasi mukhang sayang naman na hinuhulma siya. Baka naman pagdating sa taas, saka siya lumagapak."
Ano kaya ang naging aksiyon ni Jeric matapos kausapin ng mga bossing ng network?





Comments