KIRAY, HINDI RAW MAPAPAGOD BUHAYIN ANG PAMILYA
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 16, 2023

Talagang napa-sana all na lang ang mga netizens sa ginawa ni Kiray Celis na niregaluhan ang kanyang mahal na nanay ng P1 million cash!
Matagal na pinag-ipunan ni Kiray ang nasabing halaga para isorpresa ang kanyang ina at may plano rin kasi ang kanilang pamilya na magpatayo ng bahay upang paupahan at para maging source of income.
Kaya't ginagawa ni Kiray ang lahat ng kanyang makakaya para sa pamilya niya. Gusto kasi niyang mabigyan ng maginhawang buhay ang kanyang mga magulang at kapatid.
Hindi siya kailanman nagreklamo na pagod na siya at kahit kailan ay hindi siya nagsabi na hindi niya na-enjoy ang kanyang kabataan kahit maaga siyang nagtrabaho bilang artista.
Kusang-loob ang ginagawang pagtataguyod ni Kiray sa kanyang pamilya, kaya't ang labis niyang ipinagtataka ay kung bakit may ilang artista ang nag-e-emote na naging sunod-sunuran lang sila sa kanilang mga magulang at napilitan lang na mag-artista.
Sa totoo lang, mas madali ngang kumita ng pera sa pagiging artista kumpara sa mga nagtatrabaho sa opisina araw-araw na obligadong pumasok upang kumita ng pera.
Samantalang ang mga artista ay mas may panahon pa na makapagpahinga kapag wala silang shooting o taping.





Comments