top of page
Robin Padilla - FB

Kinuyog sa Canada... Claire, tinawag na pangit at sinungaling

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 8 hours ago
  • 2 min read

ni Mylene Alfonso @News | July 5, 2026



Claire Castro sa Canada - PCO - RTVM

Photo: PCO - RTVM



Buwelta si Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa mga kumuyog sa kanya at kasamang staff nito dahil sa naranasang verbal attack mula sa isang Pilipino habang kumukuha sila ng video sa Vancouver, Canada.


Sa isang viral video, makikitang nilapitan siya ng grupo, minura, at sinabihang ‘Pangit’, ‘Sinungaling’, at ‘Shame on you Ante Kler!’.


“Actually, gumagawa sana kami ng reels para dito sa event kung saan bumisita ang ating Pangulo sa Canada. May lumapit sa amin na isang Pilipino. Ngumiti ako at tinanong niya kung ako si Usec. Claire. Sinabi ko yes at doon sinabi niya na at sumigaw na siya ng, ‘Ask your President to resign,’ kinuyog na kami,” pahayag ni Castro sa isang panayam.


"Samantala kung tutuusin kami nagtatrabaho kami, hindi kami nagbabakasyon. We’re just doing our job pero nahinto 'yun hindi na kami nakapagtapos ng aming pag-shoot ng reels dahil nga may mga Pilipino na ganito ‘yung ugali,” diin ni Castro.


“Hindi ko alam kung anong grupo sila, pero ‘yung naratibo nila 'yung tipong ‘BBM resign,’ ‘yung naratibo nila ay maleta, naratibo, eh ‘magnanakaw’. At sinabihan ako na pangit at sinungaling. So, nu'ng sinabi nila na pangit daw ako feeling ko sila 'yung sinungaling. May mga ganyang tao.”


Sinabi ni Castro na bagama’t nirerespeto naman nila ang freedom of expression, hindi naman kailangang maging bastos dahil ang ginawa ng grupo ay parang hindi ugali ng isang Pilipino.


“At that time, dalawa lang kasi kami ni Director Robertzon dahil siya ang kumukuha ng video at may hawak ng camera. So, threaten siguro in a way kasi dalawa lang kami,” ani Castro.

Bagama’t hindi niya tukoy kung sino ang nasa likod nito, posibleng ang ini-idolo umano ng mga ito ay ‘bayolente’.


“Hindi namin alam buti na lang thank God na pagtawid kasi namin hindi namin alam na may mga police officers. Pagtawid namin kinausap na namin sila kasi sumusunod sila pero i mean kung ganyan talaga ang magiging ugali ng Pilipino hindi kayo uunlad, kawawa pa rin kayo,” pagtatapos ng Palace official.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page