Kinuwestiyon ng officer… CRISTINE, NAGKALAT SA IMMIGRATION
ni Beth Gelena @Bulgary Files | March 25, 2023

Ibinahagi ni Cristine Reyes sa kanyang IG Stories ang funny experience niya na nangyari sa Immigration.
Kuwento ng aktres, tinanong daw siya ng staff kung saan siya pupunta. Sumagot naman daw siya with conviction na sa Portugal ang tungo nila.
After ten minutes, tinanong daw ulit siya kung saan ang punta nila, "Portugal" daw ulit ang kanyang sagot. Pero, ang totoo raw ay sa Morocco ang tungo ng grupo.
Paglipas daw ulit ng sampung minuto, muling nagtanong ang Immigration officer.
Sinabi na raw ni Cristine na sa Morocco sila pupunta. Sa ibinahagi niyang short clip, nag-sorry naman ang actress sa pagiging "sabaw" daw niya.

"‘Yung totoo, papunta kami sa Morocco. Hindi ko alam bakit PORTUGAL ako nang PORTUGAL."
"Sorry na.. puwedeng magkamali? Wala po kasi akong tulog. Ilang araw na pong sabaw."
Ang ibig sigurong sabihin ni Cristine sa kanyang post ay dahil sa sobrang busy niya, wala na siyang maayos na tulog.
But at least, may time pa rin sa date nila ni Marco Gumabao. Hehe!





Comments