top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kinumpirma ni Willie… AMBS NETWORK, MAGBUBUKAS NA SA SEPTEMBER

BULGAR
Jul 3, 2022
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 3, 2022




Sa isang eksklusibong panayam sa TV host na si Willie Revillame, sinabi niyang magbubukas na raw ang AMBS Network na pag-aari ni dating Senador Manny Villar ngayong Setyembre.


Si Kuya Wil ang naatasan na lahat ng mga impormasyon mula sa AMBS ay sa kanya lang manggagaling para raw maiwasan ang fake news.


“AMBS will be on air by September,” ang pahayag ng TV host tungkol sa bagong television network na lilipatan niya at ng kanyang game show.


Sunud-sunod na ang mga meetings ni Kuya Wil at ng AMBS executive na si Maribeth Tolentino sa iba’t ibang mga tao para sa paghahanda ng grand launch ng TV network kung saan mapapanood din ang lahat ng mga programa ng Channel 2.


Nu'ng June 24 ay nag-test broadcast na ang AMBS, hudyat sa nalalapit na pagbubukas nito.


May photos na ibinahagi ang TV host na kasama sina Randy Santiago at Manny Villar.


May importanteng posisyon si Willie sa AMBS kaya siya ang punong-abala sa pagbuo at pagpili ng mga concepts para sa mga programa ng kanyang bagong home studio.


Nakipag-usap na rin daw sina Kuya Willie at Tolentino kay Boss Vic del Rosario, ang presidente-CEO ng Viva Entertainment, kaya inaasahang magkakaroon ito ng partnership sa AMBS.


Kasama niya sa meeting sina Boss Vic, ang Viva executive na sina Veronique del Rosario-Corpus at kapatid nitong si Vincent del Rosario, Jr..


Tinupad ni Willie ang pangako na manggagaling sa kanya ang lahat ng mga impormasyon tungkol sa AMBS para maiwasan ang pagkalat ng fake news at hindi maging biktima ng disinformation ang mga naghihintay sa opisyal na pagbubukas nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page