Kinumpirma ni Ellen… MAG-BFF NA DEREK AT JOHN, 'DI PA RIN NAG-UUSAP
Updated: Apr 30, 2023
ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 29, 2023

Isang taon na palang tumigil sa pag-inom ng alak si Ellen Adarna. Kung dati, almost everyday daw ay tumotoma siya at nag-endorse pa nga ng brand ng alak at naging Calendar Girl, ngayon ay healthy living na siya.
"Naiba na talaga 'yung priorities. I'm 35, ang hangover, malala na," ani Ellen na reason niya sa pagtigil at hindi raw dahil pinatigil siya ni Derek.
In-update rin niya kami sa health niya after niyang magpatanggal ng breast implant. Sobrang gaan na raw ng feeling niya ngayon at nakakahinga na siya nang maluwag dahil wala nang nakadagan sa dibdib na 13 yrs. din niyang dinala.
Nag-decide siyang magpatanggal ng breast implant dahil lagi raw masakit ang kanyang likod at very supportive naman daw si Derek sa kanya.
Nakausap namin si Ellen sa inauguration at ribbon cutting ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center last Wednesday sa Ore Central Tower sa BGC dahil isa siya sa mga endorsers along with Sanya Lopez and Yasmien Kurdi.
Kinumusta na rin namin kay Ellen ang status ng friendship ng mister niyang si Derek at ni John Estrada na nakasama niya sa TV5 sitcom noon.
Bago kasi sila ikinasal ni Derek ay napabalitang nagkaroon ng misunderstanding ang magkaibigan na kung ano'ng reason ay malabo pa rin sa amin hanggang ngayon.
"They don’t talk. 'Yun lang ang alam ko," ang diretsong sagot sa amin ni Ellen tungkol kina Derek at John.
Puwede bang maging tulay si Ellen sa pagkakaayos ng mag-BFF?
Aniya, "That's not my (thing). It's their friendship. Sila ang mag-aayos niyan."
'Pag nagkikita naman daw sina Derek at John sa golf course ay nagtatapikan naman sa braso pero hanggang du'n na lang at hindi raw sila nagha-hangout.
Sila naman daw ni John, bagama't gumanap pa ngang mag-asawa sa isang sitcom ng TV5 ay 'di mako-consider na super close dahil 'deep word' para kay Ellen ang word na 'close'.
Samantala, tinanong din namin si Ellen tungkol sa anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias. Marami kasi ang curious since super close ngayon si Elias sa stepdad nitong si Derek, posible bang ampunin ng kanyang mister ang cute na cute na bagets?
"No! Of course, not! John Lloyd is present, so, 'di ba? Hindi naman," natatawang sagot ni Ellen. Sinabi rin niyang maayos ang co-parenting nila ni John Lloyd kay Elias at regular na nakukuha ng aktor ang anak para makasama ng Cruz family.
Sabi ni Ellen, "We have a schedule. He has 12 days a month with him."
At sa tanong kung paano sila umabot ni John Lloyd sa puntong maayos ang naging co-parenting nila kay Elias kahit nagkahiwalay sila, aniya, "It took time. But even though nu'ng kahihiwalay lang namin, I have good mentors, you know, my family is there to tell me na 'Your son also needs his father as much as he needs you.' So parang… ganu'n lang."
Well, ang tawag d'yan… selfless love, kaya napakasuwerte ni Elias dahil siya ang parehong priority ng kanyang parents, plus may isa pa siyang tatay na love na love siya na parang tunay na anak, si Derek Ramsay.

May bagong tambalang kinakikiligan ngayon sa online world — sina Wilbert Ross at Yukii Takahashi.
Last Saturday lang nag-premiere ang Puregold’s newest digital series na Ang Lalaki sa Likod ng Profile, pero marami na agad ang kinilig at excited na muling mapanood ang episode nito this Saturday dahil sa 'extraordinary chemistry' nina Bryce (Wilbert) at Angge (Yukii) sa kanilang first encounter.
Lalo pang matutuwa at mai-in love ang mga tagasubaybay sa ikalawang episode, habang hinihintay kung ano ang mangyayari sa lalo pang paglalim ng pagkakakilala nina Angge at Bryce sa isa’t isa.
Maging pang-tunay na buhay kaya ang digital na pag-usbong ng tambalan ng dalawa? Makikialam kaya ang makulit na nanay ni Bryce na si Bessie (Marissa Sanchez)?
Saya at tawa ang sasalubong sa mga tagapanood, dahil sa ikalawang episode, marami pang kulitan sa pagkakaibigan nina Bryce, Genski (Kat Galang) at Ketch (Migs Almendras).
Opisyal na trailer pa lamang ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile, lutang na lutang na ang pagkasabik ng mga netizens, dahil sa kapana-panabik na kuwento at mahuhusay na artista.
Sa unang episode na pinamagatang Hello From the Other Side, nakilala ng mga tagapanood si Bryce, habang pinalilipas niya ang oras bilang manlalaro ng video games, at ang kanyang nanay na si Bessie na kinukulit na siyang maghanap ng girlfriend.
Ipinasilip din ng unang episode ang buhay ni Angge, at ang pagsusumikap niyang gumaling mula sa sakit na Toxoplasmosis, isang impeksiyon sa utak na nakaapekto sa kanyang pagkilos. Nakilala rin ng mga netizens ang mabait na kuya ni Angge na si Cyrus (TJ Valderrama) at ang Yaya Aimee (Star Orjaliza) ni Bryce.
Ang inaabangang unang episode ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile ay humakot ng napakaraming tagapanood sa opisyal na YouTube channel ng Puregold.
Mukhang magiging hit na hit na serye ang Ang Lalaki sa Likod ng Profile, base sa reaksiyon ng mga netizens. Abangan ang ikalawang episode sa YouTube channel ng Puregold ngayong Abril 29, 7 PM.





Comments