Kinumpirma ng GMA-7 bossing… JOHN LLOYD-BEA SERYE, NAHARANG!
ni Nitz Miralles - @Bida | June 29, 2022

May hashtag na “#wagmunapillars #newloveteam" ang caption ni Atty. Annette Gozon-Valdes sa “Productive meeting” na post niya ng meeting niya at ibang GMA executives kay John Lloyd Cruz.
So, bagong project ang pinag-usapan, hindi ang sitcom ni JLC sa GMA-7 na Happy ToGetHer.
Kasama ni JLC sa meeting si Rambo Nuñez ng Crown Artist Management at isa pang bossing. Hindi binanggit kung ano ang project ni JLC na pinag-usapan, pero kung ibabatay sa hashtag na new love team, mukhang hindi masusunod ang request ng mga fans nina JLC at Bea Alonzo na pagtambalin ang dalawa sa teleserye o pelikula.
Kung pelikula man ang pinag-usapan, baka hindi pa rin si Bea ang makapareha ni JLC, unless mali ang basa namin sa hashtag.
Nakasama na ang mga pangalan nina Camille Prats at Katrina Halili sa request ng mga fans na makapareha ni JLC bukod kay Bea. Nauna na ring ini-request na makapareha ng aktor si Andrea Torres.
Samantala, binati ni Bea si JLC sa 39th birthday nito noong June 24. Sa IG stories niya, nag-post si Bea ng “Minsan aktor, minsan kusinero. Happy birthday, Idan! Manlibre ka naman,” at may kasamang photo ni JLC na nagluluto.





Comments