Kinumpirma ng aktor… COCO, 'DI BINAYARAN LAHAT NG HOSPITAL BILL NG MISIS NI ANDREW
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | August 30, 2022

Tama lang na nagpaliwanag si Andrew Schimmer at nilinaw na hindi ang buong hospital bill nila sa St. Luke's BGC na worth P6 million ang binayaran at sinagot ni Coco Martin.
Nagbigay lang daw ang aktor ng certain amount bilang pantulong kay Andrew Schimmer.
Marami kasi ang nag-react sa na-headline sa isang tabloid na P6 million ang binayaran ni Coco Martin sa hospital bill ng asawa ni Andrew kaya naba-bash ang dating aktor.
Bakit daw ito nanghihingi pa ng medical assistance sa iba gayung binayaran na pala ni Coco Martin ang kanilang hospital bill sa St. Luke's BGC?
Paliwanag ni Andrew Schimmer, hindi niya sinasamantala ang kabaitan ng mga taong tumutulong at nagpapadala sa kanila ng anumang maise-share. Tinatanaw niya itong malaking utang na loob.
Nasasaktan lang ang kanilang pamilya sa mga comments ng ilang bashers na nagte-take advantage sila sa sitwasyon at gusto pa nilang makakuha ng simpatya mula sa publiko.
Walang hanggang pasasalamat ang gustong iparating ni Andrew Schimmer at ng kanyang pamilya sa lahat ng dumamay at tumulong para sa medical assistance ng kanyang maybahay!





Comments