Kinumpirma mismo ng mayor… ANDREA AT IAN, MAGKASAMA SA ILOILO
ni Nitz Miralles - @Bida |February 20, 2022

Legit ang balitang ito, hindi fake news, dahil ang mismong mayor ng Iloilo City na si Jerry Treñas ang nag-announce na sa nasabing siyudad ang location ng mini-series na pagtatambalan nina Ian Veneracion at Andrea Torres. Sa Netflix daw at sa ibang bansa ang airing nito.
Binanggit pa ni Mayor Jerry na nag-courtesy call na sa kanya ang mga taga-Studio Three Sixty para magpaalam na magsu-shooting sila sa Iloilo for a month. Tuwang-tuwa si Mayor Jerry dahil mapapanood daw sa mini-series ang ganda ng Iloilo City.
Excited na ang mga taga-Iloilo sa balitang ito at chance na nilang makita sa personal sina Ian at Andrea at iba pang bubuo ng cast ng mini-series na wala pang title. At masaya rin sila na makikita ang ganda ng Iloilo.
First time magkakatrabaho sina Ian at Andrea at pinusuan agad ng mga netizens. Feeling nila, may chemistry ang dalawa. Maganda ito habang wala pang series sa GMA-7 si Andrea, may iba siyang project.
Tanong pala ng mga fans, matutuloy pa kaya ang pagpasok ni Andrea sa Happy ToGetHer sitcom ni John Lloyd Cruz? Siya ang nabalitang makakapareha ni JLC, pero kahit mag-guest, hindi pa nangyayari.





Comments