top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M

Kingwash Kho, arangkada nanalo sa 3-YO Race

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 4, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | February 4, 2023


Nakipagharurutan sa unahan si Kingwash Kho upang sungkitin ang panalo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City sa Batangas noong Miyerkules ng gabi.


Nakipagtagisan ng bilis si Kingwash Kho sa unahan laban kina Jewel Of The Nile at Queen Of The South hanggang sa far turn.


Papalapit sa home turn ay dalawa na lang ang naglulutsahan sa unahan at ito'y sina Jewel Of The Nile at Kingwash Kho pero sa huling 100 metro sa rektahan ay umungos na ang winning horse.


Nirendahan ni jockey Conrad Henson, itinawid ni Kingwash Kho ang meta ng may anim na kabayo ang agwat sa pumangalawang si Jewel Of The Nile habang tersero si Srinagar.


Inilista ni Kingwsh Kho ang tiyempong 1:13.2 minuto sa 1,200 meter race sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Hindi naman nagpadaig si Joyful Princess sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pinakawalan sa pangatlong karera.


Nirendahan ni JT Pabilic si Joyfull Princess na nagtala ng tiyempong 1:26.8 sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ang P10,000 added prize para sa winning horse owner.


Nagwaging dehado si Joyfull Princess kaya nagsaya ng todo ang mga dehadista.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page