Eala posible sa rematch sa Wuhan Open 2nd round

by Gerard Arce @Sports News | October 12, 2026

Photo: Alex Eala / IG
Habang naghihintay sa makakatapat na qualifier si Filipina tennis star Alexandra “Alex” Eala, nakaabang ang posibleng rematch sa pagitan nina Ekaterina Alexandrova ng Russia o Filipino-Canadian Leylah Fernandez sa 2nd round, habang maaaring muling makatagpo sa 3rd round si Jessica Pegula sa WTA 1000 Wuhan Open sa Optics Valley International Tennis Center sa Hubei, China.
Kinakailangan munang malampasan ng World No. 18 ang isang qualifier bago ang rematch, kasunod ng pagtatapatan nina World No. 28 na si Alexandrova at 26 world ranked na si Fernandez, habang may No.2 seed si Pegula na nakatapat at ginapi sa finals ni Eala sa WTA 500 Mubadala Open.
Minsan nang nakatapat ng No.13 seed na si Eala ang Russian tennis player sa Abu Dhabi Open, kung saan dinaig ng 21-anyos na Pinay sa 6-3, 6-3, habang tabla ang tapatan nina Eala at Fernandez sa 1-1. Nais makabawi ng Pinay lefty swinger sa huling pagkatalo sa WTA 500 Singapore Open na maagang nagtapos sa 2nd round.
Ang semifinalist ay may maiuuwing $197,000 o mahigit sa P12.3M at 390 points, habang ang quarterfinalists ay may $98,500 o mahigit sa P6-M at 215 puntos, gayundin ang 3rd round sa $49,250 o mahigit P3-M at 120 puntos; 2nd round sa $26,000 o mahigit sa P1.6-M at 65 puntos; at 1st round sa $18,300 o mahigit sa P1-M at 10 puntos.





Comments