top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Kings, inisahan ang Warriors sa Playoffs, Celtics, 1-0 na

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 17, 2023
1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | April 17, 2023




Tinakasan ng c ang bisitang World Champion Golden State Warriors, 126-123, sa pagbubukas ng 2023 NBA Western Conference Playoffs kahapon sa Golden 1 Center. Sa Eastern Conference, umabanse sa 1-0 din sa seryeng best-of-seven ang Boston Celtics, Philadelphia 76ers at New York Knicks.


Walang kabang ipinasok ni Malik Monk ng Kings ang dalawang free throw na may 2.9 segundo at matapos ang timeout ay nanaig ang depensa ng Kings at minintis ni Stephen Curry ang magpapatabla sanang 3-points sabay ng huling busina.


Bumida sa Sacramento si De’Aaron Fox na may 38 puntos at sinuportahan siya ni Monk na may 32 bilang reserba. Huling lumahok ang Kings sa Playoffs noong 2006 at ang nag-iisang kampeonato ng prangkisa ay nakamit noong 1951 bilang Rochester Royals.


Tanging ang Knicks lang ang bisita na nagwagi at ginulat ang Cleveland Cavaliers, 101-97, salamat sa dalawang mahalagang shoot ni Jalen Brunson ng Knicks na may 35 segundo sa orasan. Saglit nagbanta ang Cavs sa dunk ni Jarrett Allen, 97-99, subalit ipinasok ni Quentin Grimes ang dalawang paniguradong free throw na may 4 na segundong nalalabi.


Nagtapos si Brunson na may 27 puntos habang may 19 puntos at 10 rebound si Julius Randle. Kung naging mahigpitan ang Knicks-Cavs ay madaling iniligpit sa kanilang mga tahanan ng Celtics ang Atlanta Hawks, 112-99, at tinambakan ang 76ers at Brooklyn Nets, 121-101.


First quarter pa lang ay umapoy para sa 13 puntos si Jayson Tatum at itulak ang Boston sa 29-19 lamang. Nanguna si Jaylen Brown na may 29 puntos at 12 rebound habang may 25 puntos at 11 rebound si Tatum.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page