top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

King Tiger, panalo sa Condition Race

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 16, 2023
1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | January 16, 2022


Inilampaso ni King Tiger ang mga nakatunggali matapos angkinin ang panalo sa Condition Race (17) na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas noong Sabado ng hapon.


Hinangaan ng mga karerista ang ipinakitang husay ni King Tiger na sinakyan ni class A rider John Alvin Guce. Lumabas na pang-apat si King Tiger pero wala pang 100 metro ang bakbakan ay hinarurot na agad ni Guce kaya nakuha ang unahan pagdating ng unang 250 meter ng karera.


Pagkakuha ng unahan ay hindi na hinayaan ni Guce na madikitan sila ng kalaban kaya papasok pa lang ng home turn ay nasa dalawang kabayo ang kanilang lamang.


Sa rektahan ay wala pa ring nakakapit kay King Tiger kaya tinawid nito ang meta ng may apat na kabayo ang agwat sa pumangalawang si Aliwagwag Falls.


"Napakagaling naman ng ipinakita ni King Tiger, may karapatan talagang maging liyamado," saad ni Jeremy Lansangan, veteran karerista.


Tumersero si The Accountant habang pumang-apat si Dragon Butterfly sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Inirehistro ni King Tiger ang tiyempong 1:10 minuto sa 1,200 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner ang P10,000 karagdagang premyo.


Samantala, ihahanda na rin si King Tiger ng kanyang connections para sa kanyang susunod na laban sa pista.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page