King Charles III, may cancer
- BULGAR

- Feb 6, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando - Trainee @News | February 6, 2024

Inilabas ng Buckingham Palace na si King Charles III ay na-diagnose na may cancer.
Sumailalim sa corrective procedure para sa lumalaking prostate ang Hari nu'ng Enero sa London hospital at doon lumabas ang diagnosis.
Isang uri ng cancer ang lumabas sa mga ginawang pagsusuri.
Kasalukuyang sumasailalim si King Charles sa gamutan at kailangan nitong magkansela ng mga pagharap sa publiko ayon sa payo ng kanyang doktor.





Comments