Kinasuhan sa pananakit sa bar… BARBIE, WA' PAKI, TODO-ENJOY LANG SA BEACH
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 13, 2022

Lumitaw na si Barbie Imperial pagkatapos ng halos dalawang linggong pananahimik sa isyu nila ni Debbie Garcia.
Kung matatandaan, nagkaroon ng pisikalan sa pagitan ng dalawa sa isang bar sa Kyusi dahil daw sa selos kay Diego Loyzaga na ex ni Barbie at ngayon ay nali-link kay Debbie.
Kasunod nito, nagsampa ng patung-patong na kaso si Debbie laban kay Barbie dahil sa umano'y pananakit sa kanya nang pisikal sa loob ng bar.
May bagong posted photo ang young actress kung saan nasa beach siya at nag-e-enjoy.
Hindi niya inilagay ang kanyang lokasyon, pero may nasagap kaming sitsit kamakailan na nasa Singapore siya.
Habang nasa beach si Barbie, animo siya batang paslit na nagtatampisaw sa tubig.
May isa pang picture siyang ibinahagi kung saan nakikinig siya ng music ni Taylor Swift na Enchanted.
Pagkakita ng larawan ni Barbie, may nagkomento na "Ang bilis naman… balik agad?"
"In fernez, maganda talaga 'tong batang 'to. Class at poise lang ang kulang."
"Never naman siyang nagpa-feeling sosyal unlike other celeb."
May nakapansin naman sa tummy ni Barbie.
"Bloated na si girl, hinay-hinay muna sa alcoholic drinks."
Hanggang ngayon ay naghihintay ang entertainment press sa side ni Barbie hinggil sa isyu nila ni Debbie.
Baka sa kanyang pagbabalik mula sa pagliliwaliw, saka siya magbigay ng sagot.





Comments