top of page
Search
  • BULGAR

Kinasuhan ang employer sa 'di tamang pasahod pero walang maipakitang patunay

dahil 'di binibigyan ng payslip


ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | May 17, 2022



Dear Chief Acosta,

Ako po ay nagkaso laban sa aking employer ng “Money Claims” para sa hindi tamang pagbabayad ng aming mga suweldo at iba pang benepisyo. Ang problema ay hindi kami binibigyan ng kahit anong dokumento tulad ng payslip o resibo na patunay na kami ay binabayaran ng kulang sa dapat naming matanggap.


Nang dinala ko ang hinaing ko sa aming Human Resource Manager, sinabi niya na mahihirapan akong magkaso laban sa aming kumpanya sapagkat wala akong kahit na anong patunay na ako ay hindi nakatatanggap ng sang-ayon sa batas. Tama po ba ito?

Alvin


Dear Alvin,

Ang sagot sa inyong katanungan ay sinagot ng Korte Suprema sa kaso ng Marby Food Ventures, Corporation vs. Roland Dela Cruz et al. (G.R. No. 244629, July 28, 2020, Ponente: Honorable Former Associate Justice Jose C. Reyes, Jr.), kung saan sinabi ng Korte Suprema ang mga sumusunod:

“Specifically, with respect to labor cases, the burden of proving payment of monetary claims rests on the employer. The rationale for this is that the pertinent personnel files, payrolls, records, remittances and other similar documents — which will show that overtime, differentials, service incentive leave and other claims of workers have been paid — are not in the possession of the worker but in the custody and absolute control of the employer.” (Binigyang-diin)

Sang-ayon sa nasabing desisyon, ang bigat ng pagpapatunay ay nasa kumpanya. Ibig sabihin, hindi n'yo obligasyon bilang isang manggagawa na patunayan na may kakulangan sa pagbabayad ng benepisyo ang inyong employer. Sila ang siyang may hawak ng mga files, payrolls, records, remittances, at iba pang dokumento ukol sa mga naging kabayaran sa isang empleyado. Dahil dito, sila ang dapat magpresinta nito upang maging patunay na kayo ay binayaran nang tama.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.




0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page