top of page
Search
  • BULGAR

Kinarir, super sexy na ngayon… JANE, NAWALA ANG TABA NANG MAGING DARNA

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 17, 2022



Ipinakita na last Monday night ang teaser ng Darna: The TV Series.


Si Jane de Leon bilang si Narda, at si Zaijian Jaranilla na gumaganap na Ding, ang unang umapir sa screen.


Siyempre, ang iconic line na "Ding, ang bato!" ang isinigaw ni Jane at saka nilunok ang bato kaya nag-transform siya bilang si Darna.


Sa teaser na inilabas ng ABS-CBN, wina-warning-an ni Iza Calzado bilang si Leonor, ang ina ni Narda, na may darating na mga kalaban at kailangan niyang ipagtanggol ang mga tao.


Si Leonor ang unang Darna na hindi naigupo ng kanyang mga kalaban kaya ipinapasa niya kay Narda ang meteorite para makapag-transform si Narda as a mythical warrior na si Darna na nagmula sa planetang Marte.


Bongga ang transformation ni Jane bilang Darna. Ang laki ng ipinagbago ng kanyang looks. Ang dating may baby fats pang aktres, ngayon ay seksing-seksi na sa costume niya.


Sadyang pinaghandaan talaga ng young actress ang kanyang launching teleserye.


Huling umapir si Jane sa long-time running action serye ni Coco Martin, ang FPJ's Ang Probinsyano. Ginawang training ground ni Jane ang mga action scenes niya sa programa ni Coco Martin.


Ilang araw na lang ang bibilangin at tatapusin na rin ang programa ng aktor. May mga avid viewers na nalulungkot dahil nakasanayan na raw nila pagdating nang alas-otso pagkatapos ng TV Patrol na FPJAP na ang kanilang napapanood.


Pero, naiintindihan naman daw nila si Coco, siguro raw ay pagod na rin ang aktor sa pakikipaglaban kaya magpapahinga na muna ito.


Ookupahin ng Darna: The TV Series ang time slot na iiwanan ni Coco.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page