top of page
BIDA - JANELLA KAY KLEA I LOVE YOU SO MUCH, MY BABY, MY LOVE, MY SWEET BABY BOO!-IG _kleap

Kinarga, kilig to the bones… JANELLA KAY KLEA: I LOVE YOU SO MUCH, MY BABY, MY LOVE, MY SWEET BABY BOO!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | June 17, 2026



BIDA - JANELLA KAY KLEA I LOVE YOU SO MUCH, MY BABY, MY LOVE, MY SWEET BABY BOO!-IG _kleapineda & _superjanella

Photo: IG _kleapineda & _superjanella



Hindi lang sina Rabiya Mateo at Jake Cuenca ang nagpapakilig sa mga fans ngayon, pati sina Klea Pineda at Janella Salvador, sobrang kilig din ang hatid sa kanilang mga shippers. 


Lalo na nang lumabas ang reels na naglalambingan sila, kunwaring nagtampo si Janella kay Klea at tinalikuran ito.


Sa next eksena, karga-karga na ni Klea si Janella at tama ang caption ng nag-post na: “Ang saya ni Janella sa piling ni Klea,” dahil ramdam talaga ang saya at kilig nito habang karga ng kanyang partner.


Malaking babae si Klea, kaya kayang-kaya nitong kargahin si Janella at umikut-ikot pa. 

Pati sa post nila sa Instagram (IG), ramdam na mahal nila ang isa’t isa, kaya hayaan na natin sila na maging masaya.


Sa post ni Klea, sabi nito, “Maaaring iba ang nakikita nila, pero ikaw pa rin ang paborito ng mga mata ko. Sila? Bahala sila. Basta ako? Napapahanga mo ako.”


Sagot ni Janella, “You somehow make me feel so beautiful even on the most ordinary days. ilysmmbmlmsbb (I love you so much my baby, my love, my sweet baby boo).”





Bitbit sa Mega Ball… 

FRANKIE, IDINISPLEY NA ANG BF IN PUBLIC



FIRST public appearance ni Frankie Pangilinan at ng boyfriend na si Daniel Santamaria Laurel sa The Mega Ball 2026 at panalo ang unang labas ng dalawa.


Mga comments na, “Bagay kayo,” “Wow! Ang guwapo ng BF mo, Frankie,” “Lovely pair,” “Beautiful,” “Pogi s’ya,” “Pretty Frankie,” “In love si Frankie,” at “I’m happy for you,” ang mababasa mula sa mga netizens.


Sina Frankie at Daniel ay couple na dahil sa reels na napanood namin habang naglalakad sila papunta sa venue at magka-holding hands pa. Nag-uusap sila at makikitang may hawak na red rose si Frankie, hindi lang nabanggit kung bigay ni Daniel ang rose o galing sa Mega.


Sa isa namang photo na kasama ang ilang kaibigan, nakaakbay si Daniel kay Frankie at sabi ng mga netizens, akbay ng magdyowa ang nakita nila at hindi akbay ng magkaibigan.


First time ngang nakita sina Frankie at Daniel sa isang event dahil ang mga nauna nilang photos na magkasama ay kasama ang kanilang mga kaibigan. This time, tila ready na ang dalawa na ipakitang they are a couple and they are in love.





SHOW NI HEART SA GMA-7, BABU NA!



NASA Shanghai, China si Heart Evangelista para sa Max Mara event at tuwang-tuwa ang mga supporters nito dahil marami siyang ipinost na “ayuda”.


Comment nila, kahit saan talaga magpunta si Heart, nagsa-shine siya at ramdam na nag-e-enjoy siya sa kanyang ginagawa. Kaya todo-enjoy din ang mga fans sa panonood ng kanyang videos at pagbabasa ng caption sa bawat post niya.


And speaking of Heart, finale episode na ng Heart World Season 2 (HWS2) sa GMA-7 this Saturday. Pero hindi siya mami-miss ng kanyang mga fans dahil napapanood siya sa game show na The People Have Spoken (TPHS). Another side ni Heart ang pagiging host ng game show at kering-keri niya.


Nakakatuwang mapanood siyang tumatawa nang malakas at nakikipagbiruan sa guest at may kasama pang bukingan sa kanyang love life. Dito inamin ni Heart na first love niya si John Prats.


Anyway, don’t miss the finale episode of Heart World Season 2, 9:30 PM on GMA Network.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page